SA aming kompanya ay karaniwan na lamang na ipinanghihi-ngi ng abuloy ang kasamahang pumanaw. Maski nga ang asawa o anak ng aming kasamahan kapag pu-manaw ay ipinanghi- hingi rin ng limos. At maraming nagbibigay bilang pakikisimpat- ya. Malaking tulong din ang perang nalilikom. Hindi na rito uso ang pagpapakita pa ng death certificate.
May nangulekta para kay Jigo. Hindi na pala ako dapat kumi-los. Basta ibinalita ko na lamang sa kanila ang mga nangyari ay kusa na silang nagbi gay. Pinaikot ang isang malaking brown envelope at nang bumalik sa akin ay mabigat na iyon dahil sa mga abuloy na riyals.
“Ikaw na raw ang bahala rito Mon. Ikaw na ang magpadala, tutal naman at “ano” mo si Jigo.”
“Maraming salamat Pards.”
“Nasaan na ngayon ang bangkay ni Jigo?”
“Nasa punerarya raw. Hindi pa alam kung kailan ang libing.”
“Kakaawa naman si Jigo ano?” “Oo nga.”
“Tiyak na mag-aasawa pa ang misis niya. Bata pa ’di ba at saka maganda raw…”
“Ha, a oo.”
“Sige Mon. Bahala ka na diyan.”
“Sige Pards. Salamat.”
Malaki rin ang nalikom na pera at agad kong ipi nadala iyon sa bank account ni Diana. Nang maipadala, agad kong itinawag kay Diana.
Matagal bago ako sinagot ni Diana. Na- isip ko siguro ay masyadong abala dahil nakaburol si Jigo.
“Ipinadala ko na ang abuloy, Diana.”
“Salamat Ninong.”
“Kailan ba ang libing?”
“Sa Sabado na Ninong.”
“Ba’t ang bilis?”
“Wala namang hinihintay eh.”
“Akala ko sabi mo may hinihintay.”
“Sinabi ko ba yun?”
“Oo.”
“Sige Ninong at may mga dumating na na- kikiramay.”
“Nasa punerarya ka ba?”
“Oo.”
“Parang tahimik na tahimik.”
“Siyempre punerarya ito.”
“Tatawag na lang uli ako.”
“Sa Sabado ka na tumawag Ninong. Baka hindi kita masagot dahil marami akong gina gawa.”
“Sige. Babay!”
Hindi ko muna ini-off ang cell ko at parang may narinig akong tumatawag kay Diana. Lalaki ang bo ses.
(Itutuloy)