Ninong (ika-49 na labas)
EKSAKTONG alas-otso ay nasa Miguelin St. na ako. Agad kong nakita ang apartment ni Diana. At natuwa ako nang makitang maliwanag sa loob ng bahay. Ibig sabihin, dumating na siya mula sa Tagaytay. Mukhang nakikisama sa akin ang panahon. Mukhang bago ako umalis patungong Riyadh bukas ay may ipababaon sa akin si Diana. At kung mangyayari iyon, sisiguruhin kong babawiin ang lahat ng mga pagkasabik kay Diana. Humanda siya kay Ninong.
Kumatok ako sa gate. Walang kumikilos sa loob. Baka nasa kusina o banyo si Diana. Baka kararating lang.
Nilakasan ko ang katok sa gate. Siguro’y mga dalawang minuto ang nakalipas saka ako nakarinig ng yabag mula sa loob. Inalis ang pagkaka-hook sa pinto. Pinihit ang door knob at bumukas ang pinto.
Nakita ko si Diana at tila ba namutla siya.
“Diana!”
Lumabas si Diana. Nasa mukha pa rin ang pagkagulat.
“Ninong bakit ka nagpunta rito? Dapat nag-text ka muna o tumawag?” sabi nang makalapit. Parang walang balak alisin ang pagkakandado ng gate.
“Tini-text kita pero hindi ka sumasagot, Tumawag din ako pero off yata ang cell mo.”
“Ano hindi ka puwe- deng pumasok. Andito ang tatay at nanay ni Jigo. Kararating lang. Galing silang probinsiya!”
Patay na! Talaga ya-tang aalis ako patungong Riyadh na hindi matitikman muli ang “langit” ni Diana.
“Sige na Ninong at baka lumabas ang biyenan kong lalaki...”
Gusto kong maghuramentado. (Itutuloy)
- Latest
- Trending