Ate Flora (88)

MERON palang ga­noong love story. Unang pagkikita pa lamang ay nagkau­nawaan na sina Ate Flora at Van. Maski sa pelikula o sa ku­wen­ tong komiks at prosa ay wala pa akong na­laman na nagkasundo agad ang lalaki at ba­bae. Siguro’y sila tala­ga ang para sa isa’t isa. Pareho pa silang wa­lang nagiging kasin­tahan. Sila ang una sa isa’t isa. Kakaiba tala­ga ang love story ng aking kapatid na si Ate Flora.

Sa pagkakataong iyon, na alam kong nag­ kaunawaan na ang kanilang dam­damin, saka ako nag­tungo sa salas para isilbi ang meryenda. At naabot ko pang pinipisil-pisil ni Van ang kanang palad ni Ate. At hindi inalis ni Van ang pagkakaha­wak sa palad kahit nasa harapan na nila. Sadyang ipinakikita marahil sa akin kung gaano niya kamahal ang aking kapatid.

“Kumain muna ka­yong dalawa,” sabi kong nakangiti.

“Salamat Ara.”

“Baka coffee ang gus­to mo Van, may  coffee rito.”

“Hindi okey sa akin ang juice. Salamat.”

At hindi ko inaa­sa­han na ipagtatapat ni Van sa akin ang matin­ding pag-ibig na ini­uukol niya kay Ate. Si­guro’y masyado siyang masaya dahil nagka­unawaan na sila.

“Mahal ko ang kapa­tid mo, Ara. Sana ay hindi ka tutol sa akin...”

“Bakit naman ako tutu­tol sa iyo e sobrang bait mo. Bagay na ba­gay nga kayong dala­wa ng Ate ko.”

“Salamat, hipag.”

“Walang anuman, bayaw.”

“Hayaan mo hipag at isa ka sa aming ma­giging abay sa kasal.”

“Ay ang saya na­man. Kailan n’yo balak magpa­ kasal?”

“Pag-uusapan na na­min, Ara. Basta nga­yong taon na ito.”

“Oo nga Van. Kasi hin­di na tinedyer si Ate at saka ikaw din di ba?”

“Oo nga,” sabi at humalakhak si Van.

Nang bumaba si Mang Leon ay nagulat sa­ pag­kat nakita niya kung paano nagpakita ng pagmamahal sa  ba­­­wat isa sina Ate at    Van. Hindi marahil ma­­ka­paniwala si Mang Leon na ang unang  pag­kikita nina Ate at  Van ay agad magka­ka­ roon nang isang magan­ dang re­sulta.

“Ibig n’yo bang sa­ bihin ay okey na ka­yong dalawa?”

“Okey na Daddy.”

“Aba e umakyat lang ako sandali ah, pagbalik ko’y nagka­ka­unawaan na kayo.”

“Mahal na mahal po kasi namin ang isa’t isa Daddy,” sabi ni Van.

“Totoo po yon, Mang Leon, este Daddy pala,” sabi naman ni Ate.

(Itutuloy)

Show comments