Ate Flora (86)

“GOOD morning sa inyong dalawa,” bati ni Mang Leon habang ang nasa likuran niyang lalaki ay nakangiti naman.

“Good morning po,” sagot naman ni Ate Flora na nasa likuran ko. Ako ang nagbukas ng pinto. Naki-good morning din ako.

“Pasok po kayo,” an­yay­a ko. Itinulak ko ang pinto.

“Salamat, Ara,” sabi ni Mang Leon at pumasok na ang dalawa.

Nang makapasok ay agad na ipinakilala ni Mang Leon ang kasamang lalaki.

“Flora, Ara, ipinakikilala ko sa inyong dalawa ang aking anak na si Van,” sabi ni Mang Leon.

“Kumusta, Van?” sabi ni Ate.

“Mabuti, Flora.”

“Ang guwapo mo pala, Van” sabi ko naman.

Nagtawa si Van sa sina­ bi ko. Parang nahihiya.

“Hindi naman ako gu-wa­po, Ara. Kayong magka­patid nga ang napakaga­ganda e.”

“Ako alam kong magan­da ako. Ewan ko lang si Ate,” sabi kong nagtatawa.

“Maganda rin ang ate mo,” maagap si Van.

“Uuyyy, baka kung ano na ‘yan,” sabi ko naman.

Napuno ng tawanan ang aming salas. Si Mang Leon ay nagpaalam na   may kukunin sa itaas. Ako naman ay nagpaalam kay Ate at Van na maghahanda ng makakain at maiinom nila. Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makapag-usap. Alam ko, pareho silang nahihiya sa isa’t isa.

Habang nagtitimpla ako ng juice ay inuulinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Matalas na matalas ang aking taynga sa pakikinig. Ganito siguro ang isang magiging journalist someday — matalas ang paki­ ram­dam at pandinig.

Ganito ang usapan ng dalawa:

“Kumusta ang trabaho mo Flora? Nasabi ni Daddy, mataas na raw ang posis­yon mo sa Accounting firm.”

“Okey naman ang  tra­baho ko, Van. Kapo-promote ko lang last week.”

“Wow. Congrats.”

“Salamat.”

“Marami nang naiku­ went­o sa akin si Daddy ukol sa inyong magkapatid.”

“Marami na ring naiku­wento si Mang Leon ukol sa iyo, Van. Mabait ka raw.”

“Siyempre sasabihin ni Daddy yon dahil anak ako, ha-ha-ha.”

“Bakit hindi ka ba ma­bait, Van?”

“Medyo mabait. ”

“Mabiro ka pala.”

“Kaunti.”

“Siguro marami kang nai­wang girlfriend sa Sydney.”

“Wala. Di ba nasabi sa’yo ni Daddy na wala pa akong girlfriend.”

“Nasabi nga pero siyem­ pre sasabihin ba niyang marami kang gf. Siyempre hindi di ba?”

“Gumaganti ka ha?”

Nagtawa si Ate. Nagta­wanan sila.

Patuloy ako sa pakiki­nig. Inihahanda ko ang   egg sandwich.

Nang magsalita si Van ay parang tumigil ang ikot ng daigdig.

“Kung magtapat ako ng pag-ibig sa iyo ngayon, Flora ano ang iisipin mo?”

Sumilip ako sa kurtina. Tiningnan ko ang eks-pres­yon ng mukha niya.    Para siyang natulala at        hindi malaman ang isasagot.

(Itutuloy)

Show comments