^

True Confessions

Anay (ika-80 na labas)

- Ronnie M. Halos -

 (Kasaysayan ni E.A.E.)

SAPAT na ang mga narinig ko para uma­lis. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-alis at baka makatunog ang dalawang ganid.

Nang makarating ako sa aking kuwarto ay saka ako huma­gulgol ng iyak. Para akong ulila sa mundo dahil sa pang-aaping ginawa nina Gil at Matronang Miling. Buo pa naman ang pagtitiwala ko sa hayop na si Gil na totoo ang pagmama­hal sa akin iyon pala ay ang aking pera ang puntirya. Ubos na ang pera ko at paano na ang buhay ko ngayon. Tiyak na hindi na ako pupun­tahan   ni Kuya Mike dahil bi­nigyan na niya ako ng pera. Wala na siyang pananagutan sa akin.

Umiyak pa ako nang umiyak. Pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Wala akong kamalay-malay na unti-unti pala akong dinu­durog ng dalawang ganid. Naisip ko, karma marahil ang nangyari sa akin. Kung ano ang ginawa ko sa kapwa, iyon din ang bumalik sa akin. Sinira ko ang pag­sa­sama nina Kuya Mike at Ate Marie at ngayon ay ako naman ang nagdaranas ng pait.

Nakatulugan ko ang mapait na karanasang iyon. Hindi ko nama­layan na mataas na  ang araw. Napasarap ang tulog ko. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto.

Bumangon ako para tingnan kung sino ang kumakatok. Si Gil — ang ganid na si Gil. Pero hindi ako nagpa­halata na alam ko na ang plano nila ni Ma­trona. Magkukunwari ako na wala pang nala­laman.

“Aba bagong gising ang aking reyna,” sabi ni Gil at hinalikan ako sa labi. “Ang tamis ng labi mo kahit bagong gising.”

Gusto kong kagatin ang labi niya pero nagpigil ako. Nakisa-kay na lamang ako at patuloy siyang pani­niwalain.

“Ano, Eloi, nata­wa­gan mo ba si Kuya Mike mo? Anong sabi sa perang hinihingi mo?”

“Magbibigay uli siya Gil. Pinilit ko ta­laga!”

“Good girl! Ayos! Baka sa sunod na linggo makaalis na tayo rito at sa Mog­pog na lamang tayo maninirahan.”

Gusto ko nang sampalin si Gil pero nagpigil pa rin ako. Hindi pa ngayon oras ng paniningil…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE MARIE

GIL

KUYA MIKE

MATRONANG MILING

SHY

SI GIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with