^

True Confessions

Anay (73)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni E.A.E.)

EKSAKTONG alas singko ng hapon ay tinawagan ko si Kuya Mike sa pamama­gitan ng cell phone. Pero sabi ng naka­sagot sa aking lalaki ay nasa meeting daw.

“Tumawag ka after an hour,” sabi ng lalaki. “Me meeting eh. Sino ba ‘to?”

Hindi ako su­ma­got. Pinutol ko na ang pakikipag-usap. May nadarama akong  inis. Kapag mamaya at hindi ko pa siya nakausap, sa bahay nila ako tatawag at bahala na kung si Ate Marie ang maka­sagot. Tingnan ko lang kung hindi siya mamutla sa takot.

Pakiramdam ko napakatagal ng isang oras na paghihintay para tawagang muli si Kuya Mike sa opisina niya.

Tinawagan ko muli sa aking cell phone si Kuya Mike. Matagal bago may nakasagot. Isang babae ang su­magot sa akin.

“Kaaalis lang niya,” sabi ng babae na may kalandian ang boses.

Gusto kong mag­putang-ina pero napigil ko ang sarili.

“Sino ba ito?” ta­nong ng babae.

“Misis niya!” sabi kong malakas at saka pinutol ang pakikipag-usap.

Gusto kong mag­sisigaw sa pagkainis. Pagkaraan ng isang oras na paghihintay at wala palang mang­yayari.

Nahiga ako at nag-iisip kung paano tata­wagan sa kanilang bahay ang hayop na     si Kuya Mike.

Makaraan pa ang isang oras ay ipinasya kong tawagan si Kuya Mike sa kanilang ba­hay. Eksaktong dina-dial ko ang number ay may kumatok sa pinto ng kuwarto. Lumapit ako at binuksan ang pinto. Si Gil!

“Ano Eloi?”

“Tinatawagan ko sa bahay si Kuya Mike. Naaasar na ako. Isusumbong ko na siya sa asawa niya at bahala na. Sisirain ko na siya!”

Inagaw ni Gil ang cell phone.

“Mag-isip ka muna gaga ka!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO ELOI

ATE MARIE

KUYA MIKE

SHY

SI GIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with