Anay(72)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

TINAWAGAN ko si Kuya Mike sa opisina nila. Hinanap ko sa directory ang number ng phone. Nakontak ko. Madaling nailipat sa department nila. Gulat na gulat si Kuya Mike nang makilala ang boses ko.

“Bakit ka pa tuma­ wag? Di ba me usa­pan naman tayo, Eloi?” tanong niya na parang inihina ang boses.

“Bigyan mo ako   ng pera para hindi na ako tumawag. Hindi ka na nga pumupunta rito e pati pera pinag­dada­mutan mo ako.”

“Buwan-buwan e may binibigay ako sa’yo di ba?”

“Kulang ‘yun.”

“Eloi ano ka ba? Me usapan na tayo di ba?”

“Oo nga pero naisip ko, talo ako. Bibigyan mo ba ako o isumbong na kita sa asawa mo.”

Natahimik si Mike.

“Ano magsalita ka. Dadagdagan mo ang pera ko o magkasira-sira na ang buhay natin pare-pareho?”

“Naloloka ka na yata Eloi.”

“Kahit na ano pa ang sabihin mo basta sagu­tin mo ang tanong ko. Dadagdagan mo o isu­sumbong kita kay Ate Marie.”

Natahimik uli. Ang paghinga lamang ni Mike ang naririnig ko. Maya-maya ay nagsa­lita na ito. Marahan ang tono.

“Magkano ba ang kailangan mo, Eloi?”

“Gawin mong P10,000 ang ibinibigay sa akin buwan-buwan at tatahi­ mik ako.”

“Puwede tumawag ka mamayang alas sing­ko. Busy ako ngayon. Mamaya wala nang tao rito. Mag-uusap tayo nang masinsinan, Eloi.”

Ibinaba na ni Kuya Mike ang telepono.

Nag-isip ako kung ta-ma nga ba ang P10,000 na hiniling ko.

Naisipan kong pun­ tahan si Gil sa kuwarto niya. Natagpuan ko na­man ang kumag. Na­kahilata sa sopa at nanonood ng TV.

“Gil puwede kang makausap sandali.”

“Sure gusto mo mag-sex pa tayo,” sabing ang ngiti ay tila sa aso.

“Puro ka biro.”

“Ano ba yon?”

“Tinawagan ko na si Kuya Mike.”

“Sinong Kuya Mike?”

“Asawa ko.”

“Anong pinag-usa­pan n’yo?”

“Humihingi ako ng P10,000 buwan-buwan…”

“Payat yun!”

“Magkano dapat?”

“Mga twenty thou. Ang laki ng suweldo noon sigurado. Baka nasa 100 thou ang su­weldo nun tapos 10   thou lang ang inihirit mo.”

“Sabihin ko ba twen­ ty ang ibigay niya sa akin, monthly?”

“Oo. Magdemand  ka putsa nahalukay ka na’t lahat kaya dapat singilin mo. Ako nga pipilitin kong sairin ang katas ni Matrona para masulit ang ginagawa ko…”

“Sige sabihin ko kay Kuya Mike, twenty thou ang ibigay niya sa akin.”

“Oo.”

Lalabas na ako sa pinto nang sitsitan ni Gil. Pinabalik ako.

“Mabuti kaya, hiri­-tan mo ng 100 thou. Minsanang bigay na lang niya — parang lump sum ba? Hindi na siya mamumuroblema. Ano sa palagay mo Eloi?”

“Sabihin ko, bigyan na niya ako ng 100 thou­ sand para tapos na ang lahat?”

“Oo. Kapag naku­ha mo ang 100 thou puwe­de na tayong umalis dito. Punta na tayo sa Mogpog…”

Napangiti ako. Pu­ wede nga. Maka­kaalis na kami. (Itutuloy) 

Show comments