Ulag (Katapusang Labas)

(Kasaysayan ni L.B.G.)

NAPANSIN namin ni Lea na parang natuklaw ng ahas si Sam makaraang halikan sa pisngi ni Jane. Hindi niya talaga akalain na susundo sa kanya si Jane.

“O ba’t para kang naka­ gat ng ahas, Sam?” sabi ng ina nitong si Nanay Auring.

“E kasi Nanay masyado akong nabigla. Nasorpresa baga!”

“Ako ang nagplano nito. Sabi ko kay Jane, sosorpre­sahin ka namin at titingnan ang reaksiyon mo. Anong masasabi mo kay Jane?”

“Ang ganda naman pala talaga niya, Nanay. E, Jane hindi kaya ikaw ang Miss Mindoro. Pang-beauty titlist ka.”

“Hindi naman, Sam. Miss Socorro lang ako,” sagot na nakangiti ni Jane.

Ang Socorro na binanggit ni Jane ay isang bayan sa Or. Mindoro. Malapit lang sa Pi­ na­malayan na bayan naman ni Sam. Sabi ni Sam, dating sakop ng Pinamalayan ang Socorro pero nagsarili noong late 60’s.

“Maganda ka talaga Jane. ‘Yung pinadala mong photo e iba. Mas maganda ka sa   personal,” sabi pa ni Sam na talagang hangang-hanga sa ganda ni Jane.

“Ikaw din Sam, mas guwa­po ka sa personal.”

“Uy gumaganti ka ha?”

Nagtawanan ang dalawa. At pagkatapos ng kanilang pagbobolahan (este pagk­u­ku­mustahan) ay sina Lea at Jane naman ang mahigpit   na nagyakap.

Nagkumustahan. Magka­sundo agad ang dalawa na parang matagal na silang magkakilala.

“O siya tayo na at naiinip na siguro ang drayber ng   van na inarkila ko,” sabi ng nanay ni Sam.

Lumakad na kami sa hin­tayan ng sasakyan. Una na­ming ihahatid ay si Lea na ang bahay ay nasa Makati pag­ ka­ta­pos ay ako na nasa May­nila. Sina Sam, Jane at Nanay Auring ay dederetso na raw ng Mindoro. Pero tumutol ako sa plano nilang umuwi na agad. Tiyak na gagabihin sila sa biyahe. Inalok kong sa bahay   na sila matulog at kinabuka-   san na lamang umuwi. Puma­ yag sina Sam.

“Kasyang-kasya tayo sa bahay ko. Dalawa lang kami ni Junior doon.”

Nag-alok din si Lea na puwedeng sa bahay na niya sa Makati tumuloy sina Sam.

“Ganito na lang,” sabi ni Lea. “Sa unang gabi, kina Leo kayo matulog at sa ikalawang gabi e sa bahay naman. Kasyang-kasya tayo sa bahay ko.”

“Aprub!” sabi ni Sam.

“Okey ba sa’yo Jane?” tanong ni Lea.

“Okey sa akin.”

Sumabat ang ina ni Sam.

“E di magtatagal pala kami rito sa Maynila?”

“Tutal naman ho Nanay Auring at narito na rin lang e di pag-usapan na natin ang magiging kasal naming apat. Actually buo na ang plano namin. Sa Tagaytay kami pa­kakasal at doon na magre-reception,” sabi ko.

“Aba’y sige. Nasa hus­tong edad na naman ang dalawang ire at siguro nga’y dapat lang na pag-usapan ang kasal. Ako ay gusto nang magkaapo kay Sam.”

“E okey na po sa inyo ang kasal naming apat, Nanay Auring?”

“Oo. Okey sa akin. Masa­ya yan.”

Pinalantsa na namin ang lahat ukol sa nalalapit naming kasal. Wedding coordinator na lang ang bahala sa lahat. Hindi na kami kaila­ngang mapagod pa.

At katulad nang mabilis na paglipas ng panahon na naranasan namin sa Riyadh, dito sa Pilipinas ay masya-  do ring mabilis ang ikot ng orasan. Parang kailan lang ay ipinaplano namin ang kasal na iyon sa Tagaytay, pero ngayon ay kaganapan na. Hindi isang panaginip lang ang lahat. Totoo!

Naglalakad na kami ni Lea sa gitna ng simbahan patungo sa altar. Nasa una­han namin si Sam at Jane. Bakas sa mga mukha namin ang labis na kaligayahan sa oras na iyon.

Lumuhod kami ni Lea sa nakahandang upuan. Napan­sin kong napakaganda ni Lea sa traheng suot. Nang pag­masdan ko sina Jane at Sam, nasa kanilang mga mukha ang labis-labis na kaliga­yahan.

Makalipas ang isang  oras ay ganap na ang aming pag-iisampuso. Nasa tag­pong hahalikan na ang bride bilang pagsunod sa progra-ma. Pa­rang nagkaisa naman kami ni Sam. Isa, dalawa, tatlo!  Mag­ kapanabay naming hi­nalikan sa labi ang aming bride. At ang kasunod niyon ay ang palakpakan.

At ang walang katapu­sang photo-ops. Hindi rin ma­tapus-tapos ang congtratu­lations.

Nilapitan namin ni Lea sina Sam at Jane. Mahigpit kong kinamayan si Sam at niyakap naman ni Lea si Jane.

“Sana ay walang katapu­ san ang ating pagkaka­ibigan, Sam,” sabi ko.

“Walang katapusan ito Bro. Maski ang mga anak-anak natin ay mamanahin ang ganitong katibay na pagka­ kaibigan,” sagot ni Sam.

Nakatingin sa amin ni Sam ang aming mga asa-asawa. May luhang nangi­ ngi­lid sa kanilang mga mata — luha ng kaligayahan.

(ABANGAN BUKAS ANG ISA NA NAMANG KAPANA-PANABIK NA KU­WENTO BUHAT PA RIN SA PA­NU­-LAT NI RONNIE M. HALOS. HUWAG KALI­LIGTAANG SUMUBAYBAY.)

Show comments