(Kasaysayan ni L.B.G.)
PERO nang makapasok si Sam sa bahay ay nakadama ng takot si Sam. Kung sa mga naka raang adbentura ni Sam ay hindi siya nakadama ng takot, ngayon ay nakapagtatakang kinaba- han siya. At kapag ganoong kinabahan siya, may mangyayari.
“Lina, saka na lamang tayo magkita,” sabi ni Sam.
“Bakit Kuya?”
“Di ba kanina natatakot ka?”
“Oo Kuya pero ngayon wala na.”
“Kapag ako ay naka ramdam ng kaba, tiyak na may mangyayari. Lalabas na lang uli ako ha pero sa sunod na Biyernes na lang tayo magkita ha, Lina?”
“Sige Kuya. Baka nga kung ano ang mangyari.”
“Pero gusto kong malaman mo Lina, na gusto kita…”
“Si Kuya naman ambilis.”
“Basta gusto kita ha, Lina?”
Ngumiti lamang si Lina hawak nito ang maliit na plastic na may lamang singsing.
“Ingatan mo ang singsing ha, Lina.”
“Oo Kuya.”
“Babalik ako sa Biyernes, ganito ring oras. Doon sa dati nating pinagkikitaan…”
Tumango si Lina.
Nagmamadaling lumabas si Sam. Naglakad patungo sa disyerto kung saan siya nagdya-jogging. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang kutob na may mangyayari dahil sa biglang salakay ng kaba.
Makaraan ang isang oras na pagdya-jogging ay umuwi na si Sam. Sa harapan ng bahay na pinaglilingkuran ni Lina siya muling nagdaan.
Hindi makapaniwala si Sam sa nakita. Nakaparada sa harapan ng bahay ang dalawang sasakyan – parehong Suburvan na sa anyo ay tila kararating lamang at katatapos lamang ibaba ang mga bagahe. Nahulaan ni Sam na dumating na ang mga amo ni Lina buhat sa bakasyon.
Napa-tsk-tsk si Sam habang naglalakad palayo at paminsan-minsan ay lumilingon sa dalawang sasakyang nakaparada. Naisip niya, kung hindi sinunod ang kutob kanina, siguradong mahuhuli siya sa loob ng mga amo ni Lina. At paano kung mahuli sila habang magkapatong ni Lina. Napa-tsk-tsk si Sam. Tama talaga na sundin ang kutob. Salamat sa kutob niya at naiwasan ang kapahamakan.
Pero hindi iyon nakapigil para hindi na ituloy ang plano niya sa maid na si Lina. Kailangang matikman niya si Lina.
Sumunod na Biyernes, ganun uli ang ginawa niya. Maagang bumangon, nagbihis ng pang-jogging at tinungo ang lugar na kanilang tagpuan ng maid.
Nauna si Sam sa tagpuan. Maya-maya ay heto na si Lina.
“Kuya!”
“Ba’t ngayon ka lang, Lina.”
“Marami akong ginaga wa?”
“Aalis ba ang mga amo mo?”
“Hindi Kuya.”
“Maaari ka bang makalabas sa bahay?”
“Hindi Kuya. Mahigpit sila.”
Problemado si Sam. Lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niya kay Lina habang tumatagal. Kaila ngang makaisip siya ng paraan kung paano maaangkin si Lina na alam na rin naman niyang gusto siya.
(Itutuloy)