^

True Confessions

Ellang (140)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

MABAIT ang Ob-Gyne doctor sa Pinamalayan. Tsinek-ap niya ako. Okey naman daw ang pag-    bu­buntis ko. Wala raw  akong dapat ipag-alala. Aala­gaan daw niya ako hang­gang sa makapa­nganak.

Pagkatapos magpa­check-up ay pinasyal kami ni Nanay Encar sa palengke. Bumili kami    ng mga prutas at isda. Sabi ni Nanay Encar ka­ ilangang kumain ako  ng mga sariwang prutas      at isda para maging ma­lusog ang aking isi­si-lang. Naniniwala siyang kapag husto sa sus­tansiya ang kinakain ng ina, magiging malakas at ma­talino ang bata.

“Yung mga anak ko,  hindi sa pagmamaya-bang  ay matatalino. Ka­si’y ma­susustansiya ang kina­kain ko. Iyan ang dapat mala­man ng mga ina,” sabi ni Nanay Encar.

“Iyan din ang sinasabi ko kay Ellang noon pa,” sabi naman ni Inay.

“Mula ngayon, kakain   ka na ng masusustan- siya  at tingnan natin pag hindi lumabas na mata-lino at maganda o pogi ang anak mo…”

Bumalik na kami sa Pambisan na halos ma-puno sa groceries, prutas, isda, karne at iba pa ang sasakyan naming Revo. Pang-isang linggo na    raw naming pagkain iyon sabi ni Nanay Encar. Sa Linggo na muli ang aming pamimili sa bayan. Ni singko ay hindi kami pi­naglabas ni Nanay Encar. Siya raw ang bahala sa lahat at huwag kaming mag-aalala. Nag­biro na marami siya niyon dahil nga sa nakuha niyang pera sa namatay   na asa­wang seaman. Bukod daw doon ay ku­mikita     pa rin siya sa mga pi­nagbebentahan ng kan­yang copras, saging, rambutan at sinturis. Malaki ang kanyang taniman sa Pambisan.

Kinagabihan ay hindi    ko inaasahan ang big­lang pagtawag ni Sister Cynth. Matutulog na kami ni Inay dakong alas-otso nang biglang mag-ring ang cell phone ko.

“Hello?”

“Sister Ellang! Si Sister Cynth ito.”

“Kumusta po Sister?”

“Mabuti naman.”

“Narito na po kami sa Oriental Mindoro, Sister. Dito po muna kami hang­gang sa makapanganak ako.”

“Okey naman ba ang lagay n’yo?”

“Maayos po. Napaka­bait ng babaing kumu­kupkop sa amin, Sister.”

“Purihin ang Diyos sa magandang kalagayan     mo ngayon Ellang. Kung mayroon ka pang kaila­ngan, e tumawag ka sa   akin ha?”

“Opo Sister Cynth. E, Sister, me balita ka po ba kay Dolfo?”

Natigilan si Sister Cynth.

“Wala pa, Sister El­ lang. Pero minsang tu­mawag  ako sa opisina nila e si­nabing baka hin-di na raw bumalik dito     si Dolfo…”

Nalungkot si Ellang. Siguro nga ay nagka­balikan na si Dolfo at ang asawa nito.

“Hayaan mo Sister   at kapag may nalaman ako kay Dolfo, ay baba­litaan kita.”

“Salamat po.”

(Itutuloy)

NANAY ENCAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with