^

True Confessions

Ellang (74)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

SA harap nina Cynth at Ben at naroong mga lalaki at babae —sa tantiya ko ay mga 20 ay sinabi ko ang aking mga na­ging karana­ san. Wala akong ini­lihim. Sinabi kong  mas­yado akong naapi, inabuso ang kabaitan ng lala­king natutuhan ko nang mahalin. Iyon ang dahilan at naisip kong gantihan ang hayop na lalaki.

“Pero siguro ay ma­ hal ako ng Diyos dahil nakilala ko si Sister Cynth at si Bro. Ben na nagyaya sa akin dito. Nakakita ako ng liwa­nag. Nga­yon ay wala na akong naiisip na masama sa umapi sa akin. Wala na ang bigat dito sa dibdib ko. Nailabas ko na lahat. Siguro pag­­katapos ng pagti­tipong ito ay lalo pang gagaan ang didbib ko at maka­katulog na ako nang mahimbing ma­mayang gabi… puri­hin ang Diyos…”

Nagpalakpakan ang mga nasa harap ko. Gus­to kong umiyak pero pinigil ko.

Nang matapos ang mga testimonya ay nag­kantahan kami ng religious songs. Nakaka-bless talaga. Pagkata­pos, isang masarap na tang­ ha­lian ang aming pinag­sa­luhan. Pagkata­pos niyon, may nagpa­sa ng walang lamang box ng sapatos. Sa mga gustong magdo­nas­yon. Maraming nag­­bi­gay. Mayroong 50, 15, 10 at 5 riyals. Ako ay nag­bi­gay ng 15 riyals.

Natapos ang pag­titipon ng alas-dose.

Masaya akong umu­­­wi. Nasa limousine ako ay para ko pang nari­rinig ang mga nakaka-bless na awi­tin sa dinalu­han ko.

Eksaktong ala-dose medya ng tanghali      ay nasa bahay ako.

Nasa sala si Sir nang dumating ako. Nakatingin sa akin na parang nagdu­duda.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DIYOS

PAGKATA

SHY

SISTER CYNTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with