Ellang (ika-71 na labas)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

“TUWING Biyernes ng umaga ay mayroon ka­ming pagtitipon dito sa aming bahay sa Old Airport Rd. Dito kami nagsi-share ng mga karana­-san. May kaunting ka­inan at pagdarasal si­yem­pre. Marami na ka­ming nag­kakatipon dito   at ma­ganda naman ang nangyayari dahil naka­katulong sa  mga bagsak na bagsak na ang panini­wala...” sabi ni Mrs. Reyes sa akin.

“Saan ko po ba maki­-kita ang tirahan ninyo Mam?” seryoso si Ellang.

“Tawagin mo na la-mang akong Cynth, Ellang. E saan ka ba nakatira. Ellang?”

Sinabi ko.

“O malapit lang ‘yan dito sa Old Airport Road.”

“Kung magta-taksi po ako madali lang?”

“Oo. Sabihin mo iba-ba ka sa may Shoula. Pagba­ba mo sa Shoula, lumakad ka lang ng ka-unti sa g­awing kanan at makikita mo na ang  aming bahay.”

“Sige po.”

“Kung gusto mo na­ man ay dadaanan ka namin sa tirahan mo para hindi ka na mahirapan. May kotse naman kami.”

“Huwag na Mam Cynth. Magtataksi na lang ako. Delikado dahil baka ma-kita ako ni Sir. Baka pati kayo ay masabit.”

“Sige, Ellang. Sa Bi­yer­­nes e aasahan ka namin.”

“Opo Mam Cynth.”

Ibinaba ko na ang phone.

Huwebes pa lamang ng umaga ay naghanap  na ako ng tiyempo para makapagpaalam kay Sir.  Mabuti na ‘yung maa­ga para hindi na aandap-andap ang kalooban ko.

Nagbabasa ng diyaryo si Sir nang lapitan ko. Lumunok muna ako ng laway para hindi ako mabulol sa pagsasalita. Nagpaalam ako na tutu­ngo sa Batha. Mohem lang. Importante.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Sir. Hindi na­kangiti. Iyon ang unang pagkakataon na nagsalu­bong ang kilay ng aking amo.

“La!”  (Hindi puwede!}

Ayaw pumayag. Para bang nahulaan na hindi  sa Batha ang tungo ko.

Inulit ko ang pagpapa­alam. Sabi ko’y sandali lang ako sa Batha. May bibilhin lang akong ma­ha­lagang bagay.

(Itutuloy)

Show comments