^

True Confessions

Ellang (ika-65 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

HINDI ko alam ang mga gagawin para ganap na malimot ang ginawa sa akin ni Pol. Ang laki kong tanga! Wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko na rin. Masyado akong nahumaling kaagad. Madali akong mani­wala sa pambobola ng lalaki.

Sabagay, paano ko ba malalamang manloloko ang lalaki e wala naman sa hitsura ng hayop na si Pol na ganoon ang gagawin sa akin. Tatanga-tanga pa nga kung minsan at matatakutin. Para si­yang hindi makabasag ng itlog. Walang ka­hala-halata na man­loloko. Ang masaklap nga ay napagsawaan pa ako ng hayop. Kung anu-anong kahalayan o kalaswaan ang gina­wa sa akin.

Sa tindi ng nadara­ma kong galit sa ha-yop na si Pol ay naisip kong ano kaya at mag­resign na akong DH at hanapin na la­mang siya sa Pilipinas at  saka gantihan. Nata­tandaan ko, na taga-Batangas daw siya. Pero ang laki ng Ba­tangas. At kung makita ko naman, ano ang gagawin kong ganti. Saksakin, barilin o lasunin. Ewan ko. Ma­hirap yatang gawin dahil bubuwit ay hindi ko kayang patayin.

Hindi kaya lalo la­mang lumaki ang pro­blema ko.

Ang isang naipag­pa­­salamat ko ay hindi ako nabuntis na ka­gaya ni Nizzang Indonesian na nag-aala-lang nalagyan siya ng semilya ng hayop na    si Pol. Mabuti at nag-ingat ako.

Mahirap isipin ang lahat. Sana nga ay kung maibabalik ang lahat. Kasalanan ko   rin talaga ang lahat kaya nangyari ito.

At kapag hindi ko na nga kaya ang isipin, may pagkakataon na umiiyak ako kapag nasa kuwarto na ako. Gusto ko ngang su­migaw para at least ay mawala ang itinatago kong galit at kabiguan sa dibdib. Pero nag-aalala ako na marinig  ni Sir at Madam. Baka mapaghinalaan pa akong nasisiraan ng ulo. Mahirap nang mapaghinalaang may topak at baka mapa-uwi pa ako sa Pinas. Kasi nga’y hindi ma­aalis-alis sa isipan ko ang mga ginawa ng hayop na si Pol.

Imagine naman na ang naipon ko ay na­punta lamang lahat sa kanya. Nagsinungaling pa ako kay Sir para lamang makahiram ng pera. Iyon pala’y gina­gastos lamang sa sugal o malay ko pa kung “nanlalalaki” pa siya.

May pagkakataon pa nga na kinaka­usap ko ang aking sarili habang naghu­hugas ako ng ping­gan at tiyempo na­mang lumabas si Sir at narinig niya ang pagsasalita ko kahit walang kausap.

Tumingin nang seryoso si Sir sa akin. Matagal din bago nagtanong.

“Muskila, Ellang?”
Nagulat ako.

“Mafi! Mafi mus­kila, moder.”  (Itutuloy)

AKO

MAFI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with