Ellang (ika-64 na labas)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

ANG isang napansin ko kay Nizza habang iki­nukuwento ang mga masasamang pangya­ yari na dina­nas sa wa­lang­hiyang si Pol ay kaya niyang tanggapin ang lahat. Sa kabila na hindi niya alam kung buntis nga siya dahil sa gina­wa ni Pol, kaya ni­ yang harapin ang anu­man. Hindi siya natatakot.

Hindi ko katulad na masyadong ma­lam­bot at gustong wakasan na ang lahat dahil lamang sa wa­lang kuwentang lala­ki. Mahina ako at hindi tulad ni Nizza.

Sinabi rin ni Nizza sa akin na gusto tala­ga niya akong big­yang ba-bala noon habang nasa suk at bumibili ng sha­ war­­ma. Kaya lamang ay umi­was daw ako sa kan­ya. Sabi ko naman, natakot ako noon dahil ang nasa isip ko ay ipa­pu­pulis niya ako o kaya ay ipamo-motawa.

Sabi ni Nizza, gusto niyang ipaalam sa akin na hindi mabuting tao si Pol. Siya raw, matapos maku­ ha ang pera at alahas ay lagi nang pinagtataguan at tina­takot pang isusum­bong sa kanilang moder. Palib­hasa’y takot sa batas, kaya hindi na lamang siya lu­maban. Pero ngayon daw na nagkaroon na siya ng leksiyon ay hindi na niya magagawa uli iyon. At na­ka­handa naman siyang tang­gapin  ang parusa sa­ kali’t buntis nga siya. Ka­salanan niya kaya dapat siyang mag­dusa.

Nabanggit din sa akin ni Nizza na minsan daw ay pi­nag­nakawan ni Pol ang amo. Hindi na la­ mang daw niya ito isi­ numbong dahil bi­nan­taan siya nito. Mara­ming pera raw ang na­ kuha ni Pol. Pero ang alam din niya, natalo ang perang ni­na­kaw sa sugal. Ma­ hilig daw sa Thai lotto at sabong si Pol.

Nagpasalamat ako kay Nizza sa mga na­laman kong impor­mas­yon. Sabi niya kapag daw may nalaman pa siyang iba tungkol kay Pol ay sasabihin niya. Pu­masyal daw ako sa kanila.

“Shokran, cater, Niz­ za,” sabi ko at niya­kap siya. (Itutuloy)

Show comments