Ellang (ika-63 na labas)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

KAHIT na hindi ako gaanong sanay sa Arabic, naintindihan ko rin naman agad ang mga ikinuwento ng Indonesian na si Nizza. Pati pala siya ay naging siyota ni Pol at may natangay din sa kanyang pera at alahas. Ang matin­ding sinabi ni Nizza ay baka buntis pa siya ngayon. Hindi pa raw siya nagkaka-mens.

Nabola raw siya nang todo ni Pol. Hin­di raw niya pina­pansin si Pol noon dahil haram ang paki­kipag-relasyon ng isang tulad niyang may asa­wa. Pero dahil sa ma­galing mambola ay nakuha ang kanyang kiliti.

Una raw  na diskarte ni Pol ay tinutulungan siya sa paglalaba, pag­lilinis ng bahay at kung anu-ano pa. Dahil doon ay nabighani siya. Na­ging magkaibigan sila. Bago rin lang daw siya rito sa Riyadh. Wala pa ring muwang.

Hanggang sa isang gabi ay naramdaman niyang may kumakatok sa kanyang kuwarto.  Si Pol daw. Sa pambo­bola ay nakapasok sa kuwarto. Mahal na ma­hal daw siya ni Pol. Sabi pa ni Pol, noon lamang daw siya umi­big. Ewan daw ni Niz-za kung bakit siya nag­tiwala agad kahit alam niyang may asa­wa  siya sa Jakarta.  Bagong ka­sal lang daw sila ng asawa sa Jakarta.

Hinayaan daw niya si Pol na gawin ang gusto. Inamin ni Nizza na sabik na rin siya sa lalaki. Paano’y kakaun­ting panahon pa la­mang ang naipagsa­sama nila ng asawa    sa Jakarta. Magaling daw si Pol at ang pag­ka­uhaw sa laman ay agad napawi.

Tinanong ko si Niz­za kung ilang beses silang magtalik ni Pol. Marami raw. Sa loob daw ng isang araw ay tatlong beses. Inamin ni Nizza na masyado siyang hot. Naisip ko, dahil siguro sa ang­hang ng kanilang ki­nakain.

Marami pang kinu­wento si  Nizza. Ka­ga­ya ng panghihiram sa kanya ng pera. Hindi  rin ito binayaran ni Pol. Maraming alahas ang natangay sa kanya. Hiniram ang singsing na pasalubong sana niya sa asawa sa Ja­karta.

Inungkat ko kung bakit niya ako inaway nang minsang mag­tungo ako rito at hina­hanap si Pol.

Paano’y nagsese-los siya at isa pa para na rin mabigyang baba­la ako. Nagsisimula na rin daw kasi noon  ang panghuhuthot  sa kanya ni Pol.

Kaya pala ganoon ang nangyari.

At naitanong ko rin kung nasaan na ang babaing maid   na kasama niya rito. Umuwi na raw. Kasi’y pati ito ay balak ding asawahin ni Pol.

Grabe ang wa­lang­­hiyang si Pol. Manyakis na silahis!

(Itutuloy)

Show comments