^

True Confessions

Ellang (ika-62 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, ng KSA)

INA howa, Pol?” (Nariyan ba si Pol?)

Tanong ko sa Indo­nesian na ang panga­lan ay Nizza. Alam kong hindi marunong magsalita ng Ingles ang karamihan sa mga maid na Indonesian kaya kahit na carabao Arabic ay tinanong ko kung na­saan si Pol.

Nakangiti namang sumagot sa akin si Nizza. Aywan ko kung ano ang kahulugan ng pagngiti niya. Siguro’y dahil sa ako na ang lumapit at hindi na katulad sa nakaraan na tinakasan ko siya.

“La! Enahu kari mawjud!” (Wala siya rito!)

Hindi ko agad maintin­dihan pero sa senyas ng kamay at kilos ng kilay ay nalaman kong wala si Pol.

“Aina zabaha, Pol?” (Saan siya nagpunta?)

Gimbal ako sa sinagot ni Nizza kung nasaan si Pol. Nasa Pilipinas na raw.

Hindi ako nakapag­salita o nakapagtanong muli kay Nizza dahil sa pag­kabigla.

Nang tanungin ko kung kailan pa umalis ay sinabing kahapon pa ng gabi.

Gusto kong umiyak. Hindi ko matanggap ang lahat. Gusto kong isipin na nagbibiro lamang si Nizza dahil nakangiti pa siya nang sabihin sa akin na wala na raw si Pol.

Ganoon pa man, na­itanong ko pa rin kung ka­ilan babalik. At ang sagot ni Nizza ay hindi na ba­balik.

Gusto ko nang huma­gulgol. Pagkatapos akong pagsawaan at maubos ang savings ay iniwan akong parang kuting.

Nagpaalam ako kay Nizza dahil nahalata kong marami pa siyang ga­gawin. Pero bago ako na­ka­alis ay nasabi ko na gusto ko siyang maging ka­ibigan at marami pa akong gustong malaman kay Pol.

“Mafi muskila. Ma esmok.”  (No problem. Ano ang pangalan mo?”

“Ellang.”

“Mafi muskila Ellang.”

“Shokran jazilan, Nizza.”

Umalis na ako. Laglag ang balikat na nagtungo sa bahay at nagkulong ako sa kuwarto.

Nang dumating sina Sir kinahapunan ay pilit kong inayos ang sarili at baka mahalata ang aking ka­lung­kutan. Kapag na­halata ni Sir na malungkot ako at may problema ay baka pilitin akong tanu­ngin. Mula kasi nang ma­ngutang ako sa kanya ng pera ay tila ba naging ma­laki na ang con­cern niya sa akin. Aywan ko.

Kinabukasan ng tang­hali ay inabangan ko na naman si Nizza para ma­dagdagan ang nala­laman ko sa biglang pag-alis ng tarantado at walanghiyang si Pol.

Natiyempuhan ko na­man si Nizza at sa paputul-putol kong Arabic ay naka­pagta­nong ako sa kanya.

Nalaman ko na pina­alis si Pol ng amo dahil na­huling nakiki­pag­talik daw sa binatilyong anak. Bakit hindi ito pinakulong? Kasi raw ay ang binatilyo ang pumilit kay Pol.

Ang kasunod ay ang ipinagtapat ni Nizza na pati siya ay napagsa­man­talahan ni Pol.

Lumalalim ang is­torya ng walanghiya at tarantadong si Pol!

(Itutuloy)

AKO

AYWAN

ELLANG

NIZZA

POL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with