Warat na sapatos ni Cinderella (82)
April 18, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
HANGGANG sa dumating ang araw na pinakahihintay ko. December 13. Araw ng pagdating ni Mel-vin Underwood.
Alas nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa NAIA na kami ni Cholo. Umarkila ako ng FX. Alas onse ang dating ni Melvin. May-stop over daw sa Na- rita, Japan ang PAL plight at saka lamang dederetso sa Manila.
Malakas ang kaba ng puso ko. Nagpapalpitations. Sunod-sunod. Habang nakatingin ako sa TV monitor at sinusubaybayan ang mga darating na eroplano ay kung anu-anong masalimuot na mga isipin na naman ang nasa utak ko. Paano ang gagawin kong pagharap kay Melvin? Paano ako aakto nang natural. Paano ang mga gabi na magkapiling k-ami habang sa kabilang kuwarto ay naroon si Jomar.
Nang umalis kami kanina sa bahay ay sinabi ko kay Jomar na susunduin namin si Underwood. Wala na akong takot pa. Kailangan niyang malaman.
"Halika anak at bibihisan kita. Pupunta tayo sa airport."
Sumunod sa akin si Cholo.
"Bakit kailangan pang isama mo ang bata?"
"Isama ko raw sabi ni Melvin," may talim sa dila ko.
"Andami namang kaartehan."
Hindi ko na siya sinagot sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagbibihis kay Cholo.
Eksaktong 9:00 ay nasa NAIA na kami. Tahimik na tahimik si
Cholo sa kandungan ko.
Nang mag-alas-dose ng tanghali ay namataan ko agad ang papalabas na si Melvin. Lumantad ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended