^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (30)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cinderella)

PARANG gutom na aso si Jomar. Ako na man ay nagpaubaya na. Tao lamang ako. Inaamin ko, sabik na rin ako sa aking asawa.

"Saan tayo mag-aano?" tanong ko.

"Sa lapag."

"Sapinan mo muna."

Hindi puwede sa spring bed sapag- kat doon nakahiga si Cholo.

Mabilis na nilata-gan ang suwelo. Inspirado si Jomar. Sabik na talaga.

Humiga ako. Naka sunod na kaagad siya. Kaninang naligo ako ay hindi na ako nagsuot ng underwear. Tuwalya lamang ang nakatakip sa katawan ko.

At ang tuwalyang iyon ang agad na tinanggal ni Jomar. Napansin ko na hubad na rin pala siya. Napakabilis ng pangyayari. Kapag inspirado pala ang tao ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay.

Nagkalapat na ang aming mga katawan. Parang may bulkang sasabog sa mga oras na iyon. Madaling natutupok ng apoy ang aming mga sarili. Ang alimpuyo ay lalong naging mabangis sa pananalasa.

Gusto ko at gusto rin niya iyon. Walang problema. Magkasundung-magkasundo kami sa bagay na iyon.

At habang nagsa-salo sa sarap, gumagana ang isip ko. Paano kung magkita kami ng Amerikanong ka-penpal ko. Paano ang gagawin kong pag-istima sa kanya. At ano kaya ang damdamin ni Jomar. Baka kaya nagbago na ng pasya si Jomar tungkol sa isyu ng aking ka-penpal. Baka nakapag-isip-isip na kailangang ipagtanggol niya ako para hindi maisama ng Amerikano.

Nagbalik ang isipan ko sa ginagawa namin ni Jomar. Walang kapaguran si Jomar. Ayaw ko na pero gusto pa niya. Wala akong magawa kundi ang pumayag nang pumayag.

Hanggang sa ma-tapos ang "labanang" iyon sa makipot na kuwarto. Maligaya naman kami pareho.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AMERIKANO

AMERIKANONG

AYAW

HANGGANG

HUMIGA

JOMAR

PAANO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with