^

True Confessions

Sadik (80)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

"TALAGA?" tanong ko kay Tina.

"Oo. Napaka-gentle niya kaya hindi ako iika- ika."

"Malaki?" nakatawa ako nang itanong iyon.

"Super!"

Humagalpak ako ng tawa. Pati si Susan na narinig ang aming tawanan ay lumapit at tinanong kung ano ang aming pinagtatawanan. Ibinulong ko. Tinampal ako sa braso.

Maingat daw si Sadik nang magsanib ang kanilang katawan kagabi. Hindi na nahihiya si Tina sapagkat talagang closed na closed kami. Sa simula raw ay natatakot siya sapagkat akala niya ay baka masaktan siya. Sa tagal daw ba naman na wala siyang lover e baka "kumipot" na iyon at mapaaray siya. Hindi raw. Suwabeng-suwabe raw.

Marami na ang nag- sabi na talagang malalaki ang "kargada" ng mga Arabo. At ako mismo ay nakikitang malalaki nga dahil nakabakas iyon sa suot nilang thob. Parang sa "kabayo" ang itsura.

"Oy ayan na si Sadik," sabi ni Susan.

Nang lumapit si Sadik ay kinamayan ko.

"Kaef halek, Sadik?"
"Mabsut. Very, very good! Shokran."

"Mafi muskila?"

"Mafi."

"Talaga?"

"Talagah."

Nakipag-high five sa akin si Sadik para lalong ipadama na okey siya at walang problema. Pati raw ang pag-stay niya sa suite rito ay super good.

"I love to stay here with my love Tina."

"Wow!"

Narinig ni Tina ang sinabi ni Sadik at bigla itong nilapitan at pinupog ng halik. Hindi nakakilos si Sadik. Niyakap ang kanyang love na si Tina.

Kinabukasan, ang pagbabakasyon sa Boracay ang aming pinag-usapan. Pinlanong mabuti. Tinanong si Sadik kung ano ang gustong puntahan, beach resort o summer capital ng Philippines. Pinili ni Sadik ang beach resort.

(Itutuloy)

vuukle comment

ARABO

BORACAY

HUMAGALPAK

IBINULONG

MAFI

PATI

SADIK

TINA

TONY Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with