Sadik (ika-63 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

NANG araw na ila-bas namin si Susan sa ospital ay sumama sa amin si Tina. Day-off pala niya ng araw na iyon kaya siya nakasama sa amin. Ipinagpaalam ko kay Sadik na sasama si Susan sa amin. "Mafiu muskila raw. Walang problema kapag si Susan ang isasama at saka nagtawa. Hindi kasi ugali ng mga Saudi na nagpapapasok ng bisita sa bahay. Pero kakai-ba si Sadik sapagkat welcome na welcome niya ang aming kaibigang Pinoy sa kanyang bahay.

Masaya kaming nagsalu-salo dahil nailabas na sa ospital si Susan at ligtas siya. Bumili ako ng ice cream at nagluto ako ng pansit at biko. Sanay akong magluto niyon. Iyon ang pinagsaluhan namin. Si Sadik ay maraming nakaing pansit.

"Masharap, panshit," sabi pa habang kumakain.

"Ano ang pangalan ng baby nyo Susan?" tanong ni Tina.

"Wala pa kaming pinal pero baka John Gerard."

"Ay ang ganda. Saan n’yo nakuha ang pangalan?"

"Yung John ay sa dating amo ni Tony na naging mabait din sa kanya noon at ang Gerard ay sa pangalan ng tatang ko. Gerardo ang pangalan ni tatang."

"Ah okey."

"Anoh okey Tinah?" tanong ni Sadik nang makitang nag-uusap kaming tatlo. Siguro ay naintriga kaya nakisabat sa aming usapan.

Ipinaliwanag ni Tina kay Sadik ang pinag-uusapan namin. Mabilis na naipaliwanag ni Tina sapagkat mahusay na mahusay siyang mag-Arabic. Nakatawa na si Sadik pagkatapos.

Nang kumagat ang dilim ay nagpaalam na si Tina sa amin. At nagpaalam din kay Sadik.

"Shokran Sadik."

"Mafi muskila?"

"When will you come back?" tanong ni Sadik na nagpagulantang kay Tina at maging sa aming dalawa ni Susan.

"A e next week. Same day."

"Why not tomorrow?"

Hindi nakasagot si Tina. Namula ang pisngi.

(Itutuloy)

Show comments