^

True Confessions

Sadik (ika-40 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

ESMALI li, Sadik," sabi kong muli. Nakikiusap na ako sa kanya. Pahintulutan niya si Susan na makasama ko na nang lubusan.

"Besorur, Antonio," sabi niya. At ganap na nagliwanag ang lahat. Oo raw. Buong kasiyahan daw.

Gusto kong bumangon at maglulundag. Pero hindi pa puwede dahil sariwa pa ang sugat ko.

"Mafi muskila, Sadik."

"Anything you want."

Sinabi pa ni Sadik, na bago pa man daw niya naisip na papuntahin dito sa Riyadh ang aking asawa ay binalak na niya ang ganoon. Mas magiging maligaya raw ako kung magiging magkasama na kami. At naniniwala raw siya na magiging mabuti ring kasama sa bahay ang aking asawa. Kung gaano raw ang kabutihang nasa aking puso, tiyak na ganoon din ang kabutihan ng aking asawa.

"Okey Antonio?"

"Okey, Sadik."

"How about you, Susan?"

"I’m very happy Sadik."

Nagtawa nang nagtawa si Sadik. Labis din ang kasiyahan niya.

Ano pa ba ang mahihiling ko? Wala na siguro sapagkat magiging kapiling ko si Susan sa habambuhay.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BATAY

BESORUR

BUONG

ITUTULOY

OKEY ANTONIO

RIYADH

SADIK

TONY Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with