Sadik (8)

(Batay sa kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

MAAGA palang magising si Negro at ang pagdidilig ng halaman sa bakuran ang ginagawa.

Nang makita ako ay itinigil ang ginagawa at binati ako.

"Good morning Antonio."

"Good morning, sir."

"Don’t call me Sir. Call me Sadik."

"What Sadik?"

"Sadik means friend."

"Okey Sadik."

Kinuha ko ang hose na ginagamit niya sa pagdidilig at ako na ang nagpatuloy ng kanyang ginagawa. Makaraan kong diligin ang mga halaman at sinabihan ako ni Sadik na ako ang magprepara ng aking kakainin. Pumunta raw ako sa kusina at bahala na akong pumili ng iluluto roon.

Ganoon nga ang ginawa ko. Kanya-kanyang luto ng pagkain doon. Itinuro sa akin ni Sadik ang mga gagamitin. Nagluto ako ng almusal. Itlog na prito ay dalawang sliced na tinapay. Isang tasang kape. Okey na iyon.

Ganap na alas otso ay niyaya na ako ni Sadik. Ako ang nagmaneho ng pick-up. Katabi ko siya sa unahan.

Habang tumatakbo ang pick-up ay palihim kong sinusulyapan si Sadik. Ang suot niya ay ang sutanang may putik pa ang laylayan. Napagmasdan ko ang kanyang mga paa habang naka-stop kami. Puto kalyo ang kanyang mga paa. Naka-sandalyas siya pero makikita ang kabuuan ng kanyang paa.

Iniisip ko kung saan kami pupunta ni Sadik. Wala na-man siyang sinasabi kundi "ala tol! ala tol!" Deretso lang.

(Itutuloy)

Show comments