^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-80 labas)

-
PARANG may ahas na napunta sa ilalim ng aking shorts at nadama ni Joan ang ulo ng ahas.

Hiyang-hiya ako. Hindi naman agad nakakilos si Joan sa pagkakatayo. Nagulat din sa nadama at nakita.

Pagkuwa’y tumalikod na si Joan. Wala nang sinabi.

Naligo ako at pagkatapos ay tinungo ang mesa para mag-almusal. Wala si Joan. Hinanap ko para sabay na kaming kumain. Pero hindi ko makita. Wala rin sa kuwarto namin ni Rina. Baka nasa likod ng bahay at inaalisan ng damo ang mga tanim niyang gulay doon. Mahilig din siya sa pagtatanim ng gulay. May mga tanim siyang petsay at mustasa.

Kumain na ako at pagkaraan ay umalis na. Habang nasa sasakyan ay naaalala ko ang nangyari kanina. Nadama ni Joan si "Sir Peter" at nakita pa ang tikas. Nagtataka marahil siya kung bakit ganoon na ang itsura niyon gayong may erectile dysfunction ako. Sa pagdama niya kanina kay "Sir Peter" ay napapitlag si Joan. Gulat na gulat talaga.

Kinagabihan, ay maagang natulog si Joan. Nang pumasok ako sa kuwarto ay wala siyang kakilus-kilos sa pagkakahiga. Siguro ay masyadong napagod sa mga gawain sa bahay kaya maagang inantok.

Nahiga na ako. Hindi pa ako inaantok. Pasulyap-sulyap ako kay Joan. Nakashorts lamang siya at t-shirt. Sa pagkakahiga ay napapagmasdan ko ang kabuuan niya. Maganda siya. Malusog ang mga dibdib. Mapuputi ang mga hita. Sinulyapan ko ang maamong mukha. Matangos ang ilong niya at makikipot ang labi.

Naalala ko ang isang tagpo na naliligo siya sa banyo at nagkamali akong binuksan ang pinto. Kitang-kita ko ang hubog niya. Joan! Joan! (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

GULAT

HABANG

HINANAP

HIYANG

ITUTULOY

JOAN

KINAGABIHAN

SIR PETER

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with