^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-29 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

HABANG nakatingin sa kisame ay tuksong nakikita ko ang larawang naabutan ko kanina sa guest room. Masyadong abala ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya marahil ay hindi naramdaman ang aking pagpasok. At maski siguro naramdaman ang aking pagpasok, hindi rin naman sila mapipigil sa kanilang ginagawa. Mas lalong hindi mababaklas si Joan sa ginagawa sa aking asawa.

At muli ay sinisi ko ang aking sarili. Kung wala akong nararanasang erectile dysfunction, siguradong ako ang gumagawa ng ginagawa ni Joan. Putris na buhay ‘to! Tinalo pa ako ng isang tibo. Nakatatawa na ang isang dating lalaking siga sa chicks ay pinagtatawanan ng isang tibo. Sino ang makapagsasabi na nalamangan pa ako ng isang tibo?

Aywan ko kung gaano ako katagal sa ganoong pag-iisip at pagkakatingin sa kisame habang binabalikan ang mga pangyayari sa guest room. Nakatulugan ko iyon at nang magising ay mataas na ang araw. Hindi na sa kuwarto namin natulog si Rina. Sabagay ano pa nga ba ang aasahan sa isang tulad kong "walang silbi" sa kama. Mabuti pa ang tibo. Tinanggap ko nang maluwag sa dibdib ang pangyayaring iyon.

Tulog pa marahil ang dalawa sa guest room at tanging ang katulong ang nasa kusina. Nagmamadali akong naligo, kumain at nagtungo sa opisina.

Hindi ko alam kung paano lumipas ang maghapon.

Paglabas ng opisina, deretso ako sa paboritong club. Tinupad ko ang sinabi kay Hilda o Wilda na ngayon kami lalabas. At sinasambit ko na sana ay mangyari sa amin ni Hilda. Kung hindi ay baka tumalon na ako sa Pasig River.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYWAN

BATAY

HILDA

ITUTULOY

MASYADONG

NAGMAMADALI

NAKATATAWA

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with