^

True Confessions

Ebo at Adan(24)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

TINATALABAN na ako sa light beer na aking sinisimsim. Mga dalawa lang at tama na. Ayaw kong nakikipag-usap ng lasing sa isang babae. Baka pagtawanan ako kapag nagbuhul-buhol ang dila. Gusto ko’y swabeng-swabe lang ang karga. At saka may mga babaing ayaw makaamoy ng alak.

Tinanaw ko ang entablado. Maliwanag na maliwanag ang pulang ilaw. Nakatutok kay Hilda. Wala nang damit si Hilda. Narinig ko ang malanding awitin at iyon ang nagsimulang magpakislot sa katawan ni Hilda. Marahang-marahan ang pag-indayog. Sabay na sabay sa awitin.

Gaya kagabi, ginawa na naman ni Hilda ang nakagigimbal na mga posisyon. Mga posisyong nagpapainit ng damdamin at naghahatid ng galit kay "Sir Peter". Mukha yatang si Hilda ang bubuhay sa lulugu-lugong ibong adorno.

Sige pa, Hilda! Sige pa! Iyon ang ibinulong ng isipan ko habang titig na titig kay Hilda na abalang-abala sa ginagawa sa entablado. Ibang klase ang ginagawa ng babaing ito. O ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya ko nasabi. Sa totoo lang ngayon lamang ako lubusang nakapagliwaliw sa club. Kahit na malikot ako sa mga chikas, hindi ko nasubukang magpunta sa mga ganitong lugar. Masama kasi ang impresyon sa akin kapag sinabing club na nagpapalabas ng malalaswa. Marumi, maingay, nagkakagulo ang mga customer. Hindi pala.

Hindi ko namalayan na tapos na ang palabas ni Hilda. Nagdilim na ang entablado.

At nang muling magbukas ang entablado para sa mga susunod na modelo, kumakatok na si Hilda sa pinto ng VIP room. Binuksan ko.

"Nainip ka ba Sir?" tanong sa akin. Umiling ako.

"Napanood mo ba ako, Sir?"

"Siyempre naman. Ikaw yata ang star dito."

"Hindi Sir."

"Para sa akin ikaw ang number one."

"Salamat Sir."

Dinampot ko ang bote ng beer at tumungga ako.

"Anong gusto mong kainin o inumin, Hilda?

"Juice lang ako Sir."

"Ayaw mo ng beer?"

"Hindi ako umiinom Sir."

"Mabuting bata."

Napahagikgik. Maya-maya may kumatok. Pinapasok ko. Inorder ko ng juice si Hilda.

"May siyota ka na ba Hilda?"

Tumango.

"Sayang, akala ko pa naman libre ka."

"Hindi ko naman mahal ang siyota ko Sir."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Makukuha ko si Hilda ngayong gabing ito. Tiyak iyon.

Itutuloy

vuukle comment

AKO

AYAW

HILDA

HINDI SIR.

SALAMAT SIR.

SIGE

SIR

SIR PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with