^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-16 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

TIBO na si Joan at iyon ay hindi ko lubos na maisip. Sabagay hindi ko rin naman siya gaanong kilala.

Una ko siyang nakita noong magsiyota pa kami ni Rina. Magkaibigan na raw sila noon pa ni Joan. Pero malayung-malayo ang itsura ni Joan noon kaysa ngayon. Babaing-babae siya noong makita ko at talagang maganda.

Natatandaan ko pa nang unang makilala siya. Ipinakilala siya sa akin ni Rina. Nasa kolehiyo pa kami noon –third year college.

"Joan si Dan, boyfriend ko."

"Hi, Joan," bati ko.

Matipid na "hi" ang isinagot ni Joan at iniabot ang palad. Malambot ang palad niya. Palad ng babae talaga.

"Kaklase ko siya noong high school," sabi ni Rina.

"Ba’t hindi ka rin dito sa unibersidad na ito nag-aral, Joan?" tanong ko.

"Hindi ko type rito," sagot at tumingin kay Rina.

Magkakaiba kami ng kurso. Ako ay Engineering, si Rina ay BS Chem at si Joan ay Fine Arts daw.

"Saan kayo nagkaki- lala ni Dan, Rina?" tanong ni Joan at tumingin sa akin.

"Sa isang school organization."

Napa-ah si Joan.

Mula noon ay madalas nang magkita ang dalawa sa unibersidad. Pumupunta si Joan sa aming unibersidad. May pagkakataon pang hindi natutuloy ang date namin ni Rina dahil may pupuntahan daw silang dalawa. Ako namang si mabait na lalaki ay wala nang sey. Okey lang sa akin.

Nang matapos kami ng kolehiyo ay nawala na lamang at sukat si Joan. Ni hindi sumulat o tuma-wag kay Rina.

Ikinasal kami ni Rina ay walang balita sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon ay tuwang-tuwang ibinalita ni Rina na nagkita raw sila ni Joan sa isang mall. Nagtungo raw sa United States si Joan kaya naputol ang komunikasyon.

Hindi ko nakita noon si Joan sapagkat mabilis ding nagbalik sa US.

Hanggang sa lumipas uli ang maraming taon at wala man lamang komunikasyon ang dalawa. Naisip ko, ano bang klaseng kaibigan si Joan at wala man lamang interes na malaman ang kalagayan ng kaibigan. O masyadong busy sa kanyang trabaho sa US.

At ngayon ay eto at nagbalik na sa bansa si Joan. Isa nang matikas na "lalaki". Kung bakit siya nagkaganoon ay malaking katanungan sa akin. Si Rina ang tiyak na makaaalam ng lihim. Pasasaan ba’t malalaman ko rin ang lihim niya. Hindi lamang mawala ang panghihinayang ko na ang isang magandang babaing katulad ni Joan ay maging "tibo". (Itutuloy)

BATAY

FINE ARTS

HANGGANG

IKINASAL

JOAN

RINA

SI RINA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with