^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-79 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

PARANG hindi ko magagawang ipakita ang aking mga dibdib sa harapan nang maraming tao pero iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Medya-medya lang ang dapat.

Lakas-loob kong inalis ang nakakawit sa aking bra at sa isang iglap ay umalagwa ang aking tinatago. Unang pagkakataon. Halos lumuwa ang mga mata ng mga manonood. Ang kanilang pinagnanasaan sa may ilang buwan ay lumutang na. Sa tingin ko, parang mga hayok na aso ang nasa harapan ko. Pawang tumutulo ang laway nang makita ang karneng nasa harapan.

Si Mang Angel ay walang kakurap-kurap nang makita ang pinagnasaan niya noon. Hindi makapaniwala sa nakitang pagbabago.

Medya-medya lang muna. Iyon ang ginawa ko. At iyon lang talaga ang kaya kong gawin — maliban doon ay wala na. Tapos na!

Iyon din ang hudyat para ianunsyo ang raid. Nagtayuan sa pagkakaupo ang raiding team at sa isang iglap ay parang nahalong kalamay ang loob ng Black Roses. Marami sa mga kasama kong model ang nagkanya-kanyang takbuhan para magtago. Ako ay mabilis na nakatakbo sa dressing room at nahagilap ang aking damit.Pagkaraang makapagbihis ay lalabas na ako nang bigla akong makita ni bossing.

"Dito ka Che. Dito!" Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay. Nagpipiglas ako para makawala sa kanya.

"Bitiwan mo ako!"

"Dito ka! Huwag matigas ang ulo mo."

Nagsisigaw na ako.

"Kahit magsisigaw ka, hindi ka tutulungan ng mga pulis na iyan. May nakatimbre na sa mga ‘yan."

Pero kahit na ano pa ang sabihin niya, nagsisigaw pa rin ako. Ubos lakas.

Sa galit ni bossing ay nahaklit ang damit ko at napunit ang dakong sa kilikili.

"Hindi ako papayag na masayang ang pera ko," sabi pa at pilit akong hinal- tak patungo sa kanyang kuwarto. Nagpipiglas ako. Nanlaban ako. Kahit na magkasugat-sugat ako. Kinalmot ko sa mukha si bossing. Tinadyakan ko sa bayag.

Hanggang sa isang pulis ang biglang dumating at nakita ang buong pangyayari. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BLACK ROSES

DITO

IYON

KAHIT

MEDYA

NAGPIPIGLAS

SI MANG ANGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with