PERO nagpakita ako ng tigas ng mukha kay Bossing. Hindi ako susunod sa kagustuhan niya. Kahit may utang ako sa kanya, hindi niya ako mapipilit na maghubad sa harap ng mga kustomer.
Iniiwas ni Bossing ang tingin sa akin. Sa isang bagong modelo siya bumaling. Ang modelo ay may ilang araw pa lang natatanggap. Sinasanay pa nga namin sa paglalakad.
"Ikaw muna ngayon, Mitch," sabi ni Bossing.
"Pero "
"Wala nang maraming salita pa. Ngayong gabi lang. Bukas si Pearl na. Magaling na naman ang sugat niya sa binti bukas "
Napaiyak si Mitch. Batambata pa si Mitch. Pagkuway nilapitan ni Bossing at binulungan. Natahimik sa pag-iyak si Mitch.
"Kailangan kasi me laging bagong makikita ang mga kustomer " sabi pa at saka lihim na tumingin sa akin.
Maraming tao ng gabing iyon sa Black Roses. Palibhasay Sabado at nataon pang a-kinse ng buwan. Maraming nagtatapon ng pera. Kahit na pangkaraniwang trabahador sa tingin ay nasa Black Roses. Para bang ang lahat ng mga lalaki ay nagsilipat na sa Black Roses.
Nagsimula ang aming palabas na may mahinay na tugtog lamang. Hindi pa gaanong papalit-palit ang ilaw. Sunud-sunod kaming anim na modelong pumarada. Magaganda ang indayog ng aming paglakad. Ang mga lalaki ay pawang hindi mga kumukurap. Wala pang naghuhubad sa amin pero marami na ang nakanganga sa mga susunod na kabanata.
Sa muling paglakad namin ay hindi sinasadyang napatitig ako sa grupo ng mga lalaking nakaupo sa mesa. Kilala ko ang lalaki si Mang Angel! Siya yung asawa ni Aling Maring na nanghipo sa akin noon.
Kinabahan ako. Titig na titig sa akin si Mang Angel na para bang hindi makapaniwala na isa ako sa nagpaparada sa stage.
Ganoon man hindi ako nagpahalata na nakita ko siya. Tuloy lang ang pagparada namin.
Nang tutukan na ng matingkad na ilaw ang kasamahan kong si Mitch, iyon na ang hudyat ng mga kapana-panabik na tagpo sa Black Roses. Nagsihabaan ang leeg ng mga lalaki. Pero si Mang Angel ay sa akin nakatitig. (Itutuloy)