Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-50 na labas)
June 4, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
"SAAN ka magtatrabaho Che?" tanong ni Inay at sinundan ng pag-ubo.
Nakahanda na ang sasabihin ko. Iyon ay kung magpupumilit si Inay na tanungin ako.
"Sa isang pabrika po Inay," sagot ko.
"At paano ang pag-aaral mo?"
"Sa gabi po ako mag-aaral."
Natahimik si Inay. Naidasal kong sana nga ay sa pabrika ako magtatrabaho at hindi sa club na dati niyang pinagtatrabahuhan. Pero sino naman kayang may-ari ng pabrika ang magpapahi- ram sa akin ng P50,000 para pambayad sa ospital?
Kinabukasan inilabas na namin si Inay. Mahina pa si Inay subalit kailangan nang ilabas sapagkat lalo lamang lolobo ang pagbabayaran. Wala kaming magagawa ni Donna kundi sa bahay na lamang siya alagaan.
Nagtaxi kami pa-uwi. Natirahan lamang ng P100 ang perang inutang ko. Problema na naman kung saan kami kukuha ng pambili ng pagkain at gamot ni Inay.
Kinausap ko si Donna nang makita kong tulog si Inay.
"Isangla mo muna ang kuwintas ni Inay. Wala na tayong pera."
"Iyan din ang sasabihin ko sa iyo, Ate kaya lamang ay baka magalit si Inay."
"Magagalit pa ba siya kung wala na tayong makain "
Kinuha ni Donna sa taguan ang kuwintas na kaisa-isang alahas ni Inay. Galing pa raw kay Lola iyon.
Isinangla ni Donna ng isang libong piso. Ibinili niya ng pagkain at gamot.
"Ang tira ay pagkakasyahin natin hanggang sa suwelduhan ako ni Bossing,"
"Paano kung hindi ka suwelduhan at sabihing may utang kang malaki, Ate."
"Hindi mangyayari iyon."
Kinagabihan, nagpaganda na ako para sa paglabas sa "Black Roses".
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended