^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-16 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

MASIGASIG at matiyaga ang lalaki. Halos gabi-gabi ay nasa club na pinagtatrabahuhan ni Inay. Nang sumunod na gabing magpunta ay bumigay na si Inay.

Magkasama na sila hanggang sa mag-umaga. Angkin na siya ng lalaki. Ikalawang lalaki sa buhay niya. Ang lalaking iyon ang ama ng aking kapatid na si Donna.

Pinangakuan din si Inay ng kung anu-ano. Kulang na lamang daw na pati ang buwan ay ipangako.

Hanggang sa mabuntis siya. Noon niya nalaman na may asawa ang lalaki. Pero hindi raw siya nagwala na kagaya ng ginawa niya sa aking ama noon. Alam na raw naman niya na maaaring mangyari muli ang nangyari. At siya ang dapat sisihin sapagkat naging malambot siya. Nagpatangay sa mga bola. Madali siyang mapaniwala.

Hindi siya ibinahay ng lalaki kundi dinadalaw lamang sa bahay. Sinusustentuhan.

Hanggang sa maipanganak si Donna.

Ako ay tatlong taon nang iwan ng ama samantalang si Donna ay tatlong buwan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANGKIN

BATAY

HANGGANG

IKALAWANG

INAY

ITUTULOY

MADALI

MAGKASAMA

NAGPATANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with