^

True Confessions

Darang Sa Baga (Ika-206)

-
PERO nilambutsing na naman ako ni Sancho. At aywan ko kung bakit kapag nalambutsing na niya ako, ay agad na lumalambot ang damdamin ko. Bumibigay na kaagad. Aywan ko ba kung anong klaseng bertud meron ang lalaking ito na hindi ko makayang sawatain.

Hindi na ako makapiyok kapag humihingi ng pera.

Binigyan ko ng pera si Sancho ilang araw bago dumating si Ramon. Mahigpit ang bilin ko na huwag magpapakita sa bahay. Walang dapat mahalata si Ramon.

"Bale ilang araw tayong hindi magkikita?"

"Forty five days."

"Ano?"

"Ganoon kahaba ang bakasyon niya."

"Paano mo ako mabibigyan ng pera?"

"Akong bahala. Akong gagawa ng paraan. Basta huwag kang pupunta rito."

Nagkasundo kami.

Isang araw bago dumating si Ramon ay mahigpit ko na-mang kinausap si Lani. Sinuhulan ko muna saka binola. Sabi ko’y marami pa akong ibibigay sa kanya. Kagat na kagat naman sa mga sinabi ko.

Dumating si Ramon kinabukasan.

(Itutuloy)

AKONG

ANO

AYWAN

BINIGYAN

BUMIBIGAY

DUMATING

GANOON

ISANG

ITUTULOY

KAGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with