NARAMDAMAN ni Sancho ang pagtabi ko sa kanya. Gumapang ang kamay ni Sancho patungo sa "papaya" ko. Lumipat sa kabilang "papaya". Hanggang sa dumako sa bandang ibaba pa ng papaya. Sinaliksik.
"Sancho!" sabay piksi ko.
"Sige na. Almusal naman."
Pumayag ako. Hindi ko alam kung bakit sunud-sunuran na kay Sancho. Hindi ko na magawang tumanggi sa kanyang gusto.
Habang ang anak kong bunso ay tulog na tulog sa sahig na nalalatagan lamang ng blanket, kami naman ni Sancho ay nalulunod sa ligaya sa malambot na kama. Ang inaalala koy baka biglang pumasok ang anak kong panganay habang may ginagawa kami ni Sancho. Mabuti at hindi pumasok hanggang sa matapos ang kataksilan namin sa kama.
Pinakain ko muna si Sancho bago umalis. Si Lani ay nasa likod ng bahay at naglalaba. Hindi siya naglalagi sa loob ng bahay kapag naroon si Sancho. Ang anak kong panganay ay naglalaro sa salas. Ayaw tumingin sa akin.
"Mamayang gabi, maglaro tayo sa casino?" tanong ni Sancho habang kumakain.
"Huwag muna ngayon. Delikado."
"Bakit delikado?"
"Tumawag ang asawa ko kagabi at tinatanong ako. Itong katulong ko naman, aanga-anga kung sumagot. Hinayaang maghinala ang gago kong asawa."
"Iyon lang natakot ka na?"
"Siyempre kung mabuking tayo?"
"E di hiwalayan mo at magsama tayo."
"E may asawa ka di ba?" tanong ko.
"E di hihiwalayan ko ang asawa ko."
Napatingin ako at humanga kay Sancho. Tototohanin pala ako ng gagong ito. Akala ko parausan lang at utangan ng pera.
"Kapag minura-mura ka, murahin mo rin," sabi pa ni Sancho.
"Basta huwag muna tayong lumabas mamaya ha?"
"E kailan?"
"Maski sa makalawa na muna."
"Ang tagal."
"E di dito ka na muna maglagi sa bahay."
Nangislap ang mga mata ni Sancho.
"Sige."
(Itutuloy)