^

True Confessions

Darang sa Baga(146)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

PERO nagkamali ako sa akala. Isinumbong din ako ng dalawa. Medyo pinakalma lamang ang ama at kumuha ng tiyempo.

Nang pumasok ako sa kuwarto ay pinagtulungan akong isinumbong. Hawak ni Liza ang mga ebidensiyang upos na katunayang may lalaki akong pinatutulog sa guest room.

"Totoo Daddy. Dapat mo nang palayasin ang babaing iyan dito. May lalaki siyang pinatutulog dito sa pamamahay mo..." halos lumabas ang ugat sa leeg ni Liza sa pagsusumbong.

At pagkatapos ay si Jen, "Totoo ang mga sinabi ni Ate Liza Daddy. Ako ang nakakuha ng mga ebidensiyang ‘yan. Hindi siya nakakibo. At nag-away pa kami. Natalo ako."

"Palayasin mo na ang babaing yan Daddy. Baka pagtumagal patayin ka niyan…"

Nagsiklab na ako.

"Hindi totoo yan Fil," sabi ko.

"Daddy, makinig ka sa amin ni Ate Liza…"

"Sabihin mo Fil ang totoo…"

Hindi nagsasalita si Fil. Palipat-lipat lamang ang tingin sa akin.

"Palayasin mo na siya rito Daddy."

Saka biglang nagsalita si Fil.

"H-hindi! H-hindi ako naniniwala. U-umalis n-a k-kayong d-dalawa. U-umalis n-a k-kayo s-sa b-bahay k-ko!"

Gimbal ang dalawa.

Ako ay nakaismid sa dalawang bruha.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE LIZA

ATE LIZA DADDY

DAPAT

HAWAK

ISINUMBONG

MANDALUYONG CITY

PALAYASIN

TOTOO DADDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with