"SA sopa sa salas ako natulog," sabi ko kay Fil kahit na hindi niya ako tinatanong. Patuloy siya sa pagbabasa. Nasa paanan ang diyaryo at mga libro. Hindi tumingin sa akin. Patuloy sa binabasa. Para bang hindi naramdaman ang pagbubukas ko ng pinto at paglapit sa kinaroroonan niya.
"Kanina ka pa gising?" tanong ko.
Tumango.
"Masama ang tiyan ko kagabi. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko. Madalas akong magpunta sa comfort room " sabi kong nagsisinungaling. Iyon ang naisip kong paraan para hindi maghinala sa kataksilang nangyayari sa pamamahay niya. "Ipinasya kong sa sopa na lamang matulog para hindi ka maabala sa pagbangun-bangon ko "
Walang reaksiyon. Para bang nagsalita ako sa hangin.
"Galit ka Fil?" tanong kong may himig paghihinala.
Umiling.
"Bakit parang matam-lay ka sa akin?"
Tumingin sa akin. Ibinaba ang binabasa.
"A-akala k-ko k-kasi I-iniwan m-mo n-na a-ako " utal-utal na sabi.
"Anong iniwan?"
"T-tinatawag k-kita k-kagabi n-nang i-ilang b-beses p-ero h-hindi k-ka s-sumasagot "
Gimbal ako. Wala akong narinig na tawag mula sa kanya. Anong oras kaya tumawag?
"Hindi kita narinig "
"B-baka m-mahimbing a-ang t-tulog mo."
"Oo. Baka naman nasa comfort room ako. Masakit na masakit ang tiyan ko."
"A-akala k-ko I-iniwan m-mo na a-ako."
"Anong oras mo ako tinatawag?"
"Alas nuwebe "
Hindi ako nakakibo. Hindi ko nga maririnig ang kanyang pagtawag sapagkat nang mga oras na iyon ay baliw na baliw ako sa ginagawa ni Carlo. At kahit pa marahil sumigaw siya nang sumigaw ay hindi ko pa rin siya maririnig dahil manhid na manhid na ang aking katawan. Wala na akong maramdaman dahil unti-unti na akong natutupok sa ginagawang kahayupan ni Carlo. Hindi ko na nga maalala ang mukha ni Fil kagabi. At kung pamimiliin ako sa kanilang dalawa kagabi, si Carlo pa rin ang pipilliin ko.
"Bakit mo ako tinatawag Fil?"
"Kasiy maiihi ako. Ihing-ihi na ako "
"Anong nangyari?"
"E-eto "
Ibinukas niya ang nakatakip na kumot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nakita kong basang-basa ang suot na padyama. Basa rin ang kumot at ang kubrekama. Naamoy ko ang panghi ng ihi.
"H-hindi k-ko n-na t-alaga k-kayang m-mag-isa. I-inutil n-na t-alaga a-ako "
Nakadama ako ng awa lalo na nang parang gustong umiyak ni Fil. Kawawa naman.
"Sorry Fil. Kasiy talagang ang sakit ng tiyan ko kagabi."
"O-okey l-ang. H-indi n-naman a-ako g-galit "
Inumpisahan kong alisin ang padyama niya. Hinubad ko brief. Pati ang t-shirt na suot ay nabasa na rin ng ihi. Nagtiis ng lamig dahil si Fil. Kawawa naman.
Iniwasan ko ng tingin ang kanyang "Ibong Adorno" nang pinapalitan ko ng brief. Nakukonsensiya ako. May tumutusok sa utak ko. Ano ba itong nagawa ko?
(Itutuloy)