^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-111 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

NASA paanan ko si Carlo at sa porma ay may gagawing kapana-panabik sa akin. Tumingala muli sa akin. Para bang humihingi ng permiso sa kanyang gagawing kapana-panabik. Tiningnan ko siya nang makahulugan.

"Ano?" tanong ni Carlo. Ang buong mukha ay ba-sang-basa dahil sa talsik ng pinong tubig.

"Baka ano… ang asawa ko."

"Baka ano?"

"Magising…"

"Silipin mo…"

Kumilos ako para lumabas. Nagbigay siya ng daan para ako makalabas sa banyo. Hinawi ko ang tabing na kurtina at nakalabas.

Nang makalabas ay nanuot sa aking katawan ang lamig. Paano’y wala na akong panty. At basa na ang palda at blusa. Hayop kasi si Carlo. Hayop na hayop. Pero bakit hindi ko magawang magalit sa kanyang ginagawa. Hayop ka talaga, Carlo.

Patiyad akong naglakad patungo sa aming kuwarto. Marahan na marahan. Habang patungo roon, marami akong naiisip. Si Fil at si Carlo. Si Carlo at si Fil. Saka biglang umeksena ang dalawang anak ni Fil. Galit na galit! Gusto akong patayin.

Nakarating ako sa kuwarto. Dahan-dahan kong binuksan. Sinilip ko si Fil. Natutulog. Lumapit ako. Hinawakan ko ang kamay. Walang reaksiyon. Tulog na tulog talaga. Pinisil ko ang palad. Walang reaksiyon. Talagang masarap ang pagkakatulog.

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Marahan kong kinabig ang pinto at saka nagtungo sa banyo.

Pero bago pumasok sa loob, hinubad ko na ang aking damit. Ano pa ang silbi ng mga basang damit na iyon? Wala na. Nabasa na rin lang kaya magpakabasa na nang tuluyan. Itinulak ko ang pinto ng banyo.

"Carlo!"

Walang sagot.

"Carlo!"

Wala rin. Hinawi ko ang kurtinang tabing.

Nakita ko si Carlo. Katulad ko, wala na ring saplot sa katawan.

"Tulog?"

Tumango ako.

Kasunod niyon ay ang pagyakap niya sa akin at hinanap ng labi niya ang labi ko. Kusang bumuka iyon para bigyang daan ang nagbabagang dila.

Kasunod ay ang unti-unting pagbaba ni Carlo sa aking paanan. Sinasamba na naman ako.

At ang mga sumunod ay nagdulot sa akin nang walang hanggang kaligayahan. Walang pinagbago si Carlo pagdating doon. Mariin pero banayad ang dating. Nanunuot. Hayop talaga Carlo. Hayop.

Mas naging mabangis si Carlo nang iyon na ang ginawa. Nadudurog na ang pangako ko. Wala akong magawa. (Itutuloy)

ANO

CARLO

DAHAN

HAYOP

HINAWI

KASUNOD

MANDALUYONG CITY

WALA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with