^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-96 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HINDI ako makatingin nang deretso kay Fil. Hindi nakaligtas sa kanya ang marka nang pakikipag-away ko sa kanyang anak.

"Ba’t m-may p-pasa s-sa p-pisngi m-mo? N-nauntog?"

Malalaman din naman niya ang lahat kaya ano pa ang silbi kung maglilihim ako. At saka hindi ako ang nag-umpisa ng lahat kundi si Jen. Kung hindi ko sasabihin, baka maunahan pa ako at mabaligtad ang lahat. Baka ako ang lumabas na kontrabida.

"Inaway ako ni Jen. Sinampal ko. Gumanti sa akin kaya may pasa ako sa pisngi…"

Hindi nakapagsalita si Fil. Halata kong pigil na pigil ang loob niya.

"Ang sakit ng sinabi niya sa akin. Hindi ko makain kaya nasampal ko…"

Hindi pa rin nagsasalita si Fil. Nakatingin lamang sa akin at naghihintay sa iba ko pang sasabihin.

"Hintayin ko raw na mamatay ka muna bago ako manlalaki. Ang kapal daw ng mukha ko. Iniwan daw kita rito sa bahay para makipagtagpo sa lalalki. Ang sakit!"

Noon nagsalita si Fil.

"A-anong i-ibig n-niyang s-sabihin, Ne-nena? H-hindi ko maintindihan…"

"Kanina nang bumaba ako para bumili ng gamot nakita ako ng dati kong boyfriend – si Carlo natatandaan mo?"

"O-oo."

"Hinabol ako ni Carlo at naabutan diyan sa entrance. Kasalukuyan kaming nag-uusap nang biglang dumaan si Jen sakay ng kotse at nakita kami…"

"A-anong n-nangyari?"

"Pag-akyat ko rito, nakabantay na siya sa may pinto natin at kung anu-ano ang sinabi sa akin. Hindi na ako nakapagtimpi at nasampal ko…."

Nakita kong tumutulo ang luha ni Fil. (Itutuloy)

AKO

GUMANTI

HALATA

HINABOL

HINTAYIN

INAWAY

INIWAN

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with