Darang sa Baga (Ika-81 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

KINABAHAN ako na baka kung ano na ang nangyayari kay Fil kaya bigla akong tinawag. May phobia na yata ako sa tuwing tatawagin ni Fil. Pakiramdam ko ba’y tatakasan niya ako..

"Bakit Fil?" tanong ko nang bumungad sa kuwarto.

"H-halika, N-Nena..."

Lumapit ako. Naupo sa gilid ng kama. Yumugyog ang kama.

"Bakit Fil? Anong masakit?"

"W-wala n-aman."

Parang sa pagsasalita niya ay may itinatago si Fil.

"Ano nga ‘yon Fil. Sabihin mo."

"W-wala n-nga."

"Kikilitiin kita kapag hindi mo sinabi..."

Tumawa si Fil kahit na hindi ko pa ginagawa ang banta sa kanya.

"Sige, kikilitiin kita. Sabihin mo na para hindi kita kilitiin..."

"W-wala naman akong sasabihin, N-nena."

Kiniliti ko na tagili-ran si Fil. Napapitlag sabay hagikgik.

"N-nena n-naman. H-wag mo akong kilitiin..."

"Magsabi ka ng totoo. May gusto kang sabihin di ba? Tumawa.

"Ano?"

Hindi sumagot pero isinenyas na gusto niya ng "ganoon". Yung dati naming ginagawa noong hindi pa siya naiistroke.

"Kaya mo?" tanong ko.

"K-kaya k-ko."

Pinagbigyan ko si Fil. (Itutuloy)

Show comments