"AALIS na ako, Daddy," sabi ni Jen at saka humalik sa ama. Napaatras ako. Hinihilot ko ng mga sandaling iyon ang likod ni Fil.
"K-kararating m-mo l-lang aalis k-ka na?"
"May usapan kami ng friend ko. Balik na lang ako tomorrow."
"S-sige k-kung y-yan ang gusto mo!"
"Daddy naman."
Napaatras pa ako nang yakapin ni Jen ang ama. Wala naman akong madamang sinseridad sa yakap niya sa ama. Kung mahal niya ang ama hindi siya magpapakita ng katigasan ng ulo at pagiging tigreng ugali.
"S-sige n-na, Jen."
Kumalas sa ama.
"Bye Dad."
Pero bago umalis ay tumingin sa akin nang matalim.
Hindi ko na pinansin.
Nang makalabas ay saka ko ipinagpatuloy ang pagmasahe sa likod ni Fil.
"M-masarap a-ang p-pakiramdam k-ko k-kapag minamasahe m-mo a-ako Nena..."
"Lagi kitang imamasahe Fil..."
Dinama niya ang kamay ko.
"P-pasensiya k-ka n-na sa a-anak ko Nena. M-matigas t-talaga a-ang u-ulo n-niya...
"Wala kang dapat alalahanin sa akin."
"M-masyado k-aa nang naaapi. Naaawa ako sa iyo."
Sapat ang sinabi ni Fil para mamula ang mga mata ko. Kasunod ay ang pag-iyak.
(Itutuloy)