DUMATING kami sa bahay.
"Ito na ang magiging bahay mo mula ngayon," sabi ni Fil at inakbayan ako. Totoo na nga ito. Pag-aari na ako ni Fil. Wala nang atrasan. Kahit na walang katiyakan kung kailan niya ako pakakasalan dahil pinoproblema ang anak na bunso, sa kanya na ako. At kaya ko nang tanggapin ang lahat. Mas malaki ang pagkaka- taon kung lumigaya kay Fil kaysa kay Carlo. Putris na Carlo yon at naisip ko na naman. Ayaw ko na ngang alalahanin ang gago pero etot sumiksik na naman.
"Maligo tayo Nena," sabi sa akin ni Fil.
"Baka mapasma ka," sabi kong nakatawa. Biro lang sa akin iyon. Iyon kasi ang lagi kong naririnig kay Inay kapag naghuhugas ako ng kamay kapag dumating galing sa trabaho. Huwag daw akong maghuhugas pagkagaling sa trabaho at baka mapasma.
"Hindi ako mapapasma."
"Kapag napasma yang ano mo, magsisisi ka," sabi kong pabiro.
"Anong gagawin mo?"
"Iiwan kita."
"Ganoon ha?"
Bigla akong kiniliti ni Fil. Napaigtad ako.
"Ano ba Fil!"
"Iiwan mo pala ako ha?"
"Biro lang."
Pero hindi tumigil si Fil sa pagkiliti sa akin. Napasigaw ako dahil sa ginagawa niyang pagkiliti. Hindi ko malaman kung paano ang gagawin para mapatigil si Fil sa kanyang ginagawa.
"Tama na Fil! Tama na!"
Sabi ko at mabilis na nagtatakbo para makaiwas sa panghaharot ni Fil. Pero hinabol ako. Nang maabutan ay niyakap ako nang mahigpit. Ginanti ko ang yakap niya.
"Mahal na mahal kita Nena," sabi at hinalikan ako sa labi. Banayad. Suwabe. Natangay ako.
Kasunod ang marahang paggapang ng kamay ni Fil sa aking likuran. Patungo sa aking puwit. Dinama ang katambukan niyon. Humawak doon. Nakiliti ako. May nagbabantang pagdiklap. Natutupok na naman kami ni Fil. Hindi mapigilan. (Itutuloy)