Darang sa Baga (Ika-33 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

"PANG-PUHUNAN sa tindahan," sabing pabulong ni Fil. Tama ang hula ko. Tinu- pad niya ang sinabi kanina.

"Gusto mong kumain muna. Nagluto ako ng kare-kare. Masarap ang alamang na bagoong…"

"Sige…"

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Sumunod sa akin si Fil. Sumandok ako ng kare-kare.

"Ambango niyan a."

"Eto ang specialty ko."

"Talaga ha?"

"Siyanga pala. Nagtaka ba ang mga kasamahan ko sa office kung bakit wala ako."

"Sinabi ko, hindi ka na papasok dahil nag-asawa ka na."

Tiningnan ko nang matiim si Fil.

"Huwag mo akong biruin Fil…"

"Hindi kita binibiro…"

"Sinabi mong tayong dalawa ang mag-ano?"

"Hindi."

Nakahinga ako nang maluwag. Nagsandok ako ng kanin. Kumuha ng pinggan at kutsara. Ipinaglagay ko si Fil sa pinggan.

"Kain na."

"Ikaw? Sabayan mo ako."

Kumuha ako ng pinggan at sumabay sa kanya. Sarap na sarap si Fil. Sunud-sunod ang subo.

"Sarap!"

Nasa kasarapan kami ng pagkain nang pumasok si Inay. Ina- lok ni Fil. Walang imik.

Tumayo ako at dinukot sa bulsa ang perang nasa sobre na bigay ni Fil.

"Inay, etong pera galing kay Fil. Pangpuhunan sa tindahan…"

Nagkaroon ng liwanag sa mga mata ni Inay. Hindi malaman kung kukunin o hindi ang pera.

(Itutuloy)

Show comments