"Gusto mo mag-shower?" tanong niya.
"Oo."
"Ikuha kita ng tuwalya "
"Ituro mo sa akin ang banyo Fil "
"Halika "
Nagtungo kami roon. Nadaanan namin ang kusina. Malaki. Kumpleto sa gamit. Ganito ang gusto ko.
"Yan ang banyo. May tub diyan. Mamili ka ng gagamitin," sabi ni Fil.
Pumasok ako. Pink din ang kulay ng tiles. Malaki ang banyo at napakalinis. Puwedeng gawing tulugan.
"Ikuha na kita ng towel," sabi ni Fil.
Tumango ako. Isinara ko ang pinto. Naghubad ako ng damit. Wala akong itinira. Binuksan ko ang shower. Tumapat ako. Sarap ng tubig. Katamtaman ang dating sa katawan. Nilunod ko ang sarili sa ilalim ng shower. Pagkatapos ay dinampot ko ang sabon at sinabon ang katawan. Hindi ko pa natatapos sabunin ang sarili ay narinig ko na ang katok ni Fil.
Dinukwang ko ang pinto at binuksan.
"Etong towel "
Tinitigan ko si Fil. Titig na nag-aanyaya na samahan ako sa loob. Sabayan niya ako sa pagsa-shower. Hindi kumikilos si Fil. Atubili. (Itutuloy)