Darang sa Baga (23)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

TUMIGIL kami sa gate ng bahay. Madilim sa loob ng bahay. Halatang walang tao. Tama nga ang sinabi ni Mr. Reyes. Wala ang kanyang mga anak doon. Pahingahan nga lang siguro. Ang bahay ang ginagawa niyang "motel".

"Halika na," sabi ni Mr. Reyes.

Binuksan ko ang pinto at bumaba ako. Ang bahay ay malayo sa kapitbahay. Marami pang bakanteng lote. Bagong bukas lang marahil ang subdibisyon.

"Bagong gawa yan?" tanong ko.

"Anim na buwan pa lang."

Tinungo namin ang gate. Dinukot ni Mr. Reyes ang susi sa bulsa. Binuksan ang kandado.

"Tuwing gabi paglabas ng opisina ay dito ako tumutuloy…" sabi nang mabuksan ang gate.

"Ang mga anak mo?"

"Sa bahay namin sa Dapitan."

Tinungo namin ang pinto. Narra ang pinto na barnisado. Sinusian iyon. Bumukas. Madilim sa loob. Kinapa ni Mr. Reyes ang switch ng ilaw. Napuno ng liwanag ang buong bahay.

"Pasok," sabi ni Mr. Reyes.

Pumasok ako. Namangha ako sa napakagandang salas. Kulay pink ang pintura ng pader. Pati ang kurtina. Malamig sa mata. Nasa salas ang isang napakalaking TV. Kulay pink din ang sopa. Lahat ay may bahid ng pink.

"Silipin mo ang mga kuwarto," anyaya ni Mr. Reyes.

Sumunod ako. Dalawa ang kuwarto. Una naming sinilip ang master’s bedroom.

Napa-wow ako sa ganda. May malaking kama. Pink din ang kurtina.

"Diyan tayo maglalaro Nena," sabi ni Mr. Reyes at inginuso ang kama.

Kinurot ko siya sa braso.

(Itutuloy)

Show comments