"PABORITO mo yata ang pelikula e aalis na tayo?" sabi ko nang akmang tatayo na si Mr. Reyes.
"Mas may maganda akong panonoorin " sagot niyang sa himig nagbibiro. Kung kanina ay halata kong natotorpe nga-yoy hindi na.
"Ipakita mo sa gawa hindi sa salita," sabi ko.
"Ipakikita ko mamaya at humanda ka."
Tumayo siya. Tumayo rin ako. Hinawakan ang kaliwang kamay ko at lumakad kami.
Nang makalabas kami ng sinehan ay sinigurado niya kung gusto ko na ba talagang sumama sa kanya.
"Sasama ba ako sa iyong manood ng sine kung hindi ko gusto?"
"Kasiy napansin ko kanina sa loob na malalim ang iniisip mo."
"Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin kapag sumama sa iyong ngayong gabi "
"Kung ganoon, halika na para malaman mo "
Nang nasa kotse na kami ay saka lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob tanungin kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko, sa motel niya ako dadalhin katulad ng ginagawa ng ibang lalaki. Pero bakit iba ang tinutungo ng kotse. Patungo kaming Novaliches.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.
"Sa bahay ko."
(Itutuloy)