^

True Confessions

Darang sa Baga (14)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)


NAHULI ni Sir ang pagsulyap ko. Ngumiti. Binawi ko agad ang pagkakatingin.

"Kain ka nang kain, Nena…" sabi.

"Busog na ako Sir…"

"Wala ka pa ngang nakakain e busog ka na."

"Madali akong mabusog."

"Siguro iniiisip mo ang siyota mo."

"Hindi Sir."

Uminom ng tubig si Sir. Dinampian ng tissue ang bibig.

"Ako na lang ang isipin mo," sabing nakangiti.

"Naku ha?"

"Alam mo hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kitang makasama Nena…"

"Gusto n’yo akong ligawan Sir?" prangka kong sabi.

"Ewan ko kung ganon nga ‘yon. Basta masaya ako kapag kasama ka."

"Dati, hindi ka masaya sa mga naging sekretarya mo…"

"Hindi."

"Owws. Hindi mo naisama sa pagkain sa restaurant gaya nito."

"Ikaw pa lang ang naisasama ko Nena."

"Owws?"

"Talaga. Akala mo nagbibiro ako."

"Kasi hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo o hindi."

"Lahat ng mga naging sekretarya ko, may asawa at bukod doon hindi maganda. Ikaw pa lang ang naging sekretarya ko na dalaga at maganda…"

Napangiti lamang ako. Uminom ako ng tubig. Sinulyapan ko si Sir.

"Kung yayain kitang manood ng sine, sasama ka Nena?"

Hindi agad ako nakasagot. Inuunti-unti na ako ni Sir. Siguro pagpumayag akong sumama sa kanya sa sinehan, paglabas naming ay sa motel naman niya ako yayayain.

"Hindi Sir."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HINDI SIR.

IKAW

MANDALUYONG CITY

NENA

OWWS

SIR

SIR. DINAMPIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with