^

True Confessions

Darang sa Baga (6)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

GANOON nang ganoon araw-araw ang pagsasama namin ni Mr. Reyes. Laging nagbibiruan. Walang patay na oras sa amin. At hindi naging kai-nip-inip sa akin ang mga oras.

Ang pagbibiruan namin ni Mr. Reyes ay hanggang sa loob lamang naman ng opisina niya. Kapag nasa labas kami o may dinadaluhan siyang meeting na dapat ay kasama ako, seryoso siya. Hindi kakikitaan ng pagiging "berde" ang laman ng ulo.

Ang madalas na pagbibiruan namin ni Mr. Reyes ay hindi naman nalingid sa aking mga kasamahan sa trabaho. Hindi naman kataka-taka iyon sapagkat karamihan ng empleado sa kompanyang iyon ay babae. At kapag maraming babae sa kompanya asahan nang karaniwan na lamang ang pagtsisismisan. Hindi maaaring mawala ang pag-usapan ang kanilang kapwa.

Maraming nakaalam sa madalas naming pagbibiruan na ang topic pa ay ang sex. At alam ko, pinagtsitsimisan nila ako. Napapansin ko kasing kapag lumalabas ako sa kuwarto ni Mr. Reyes ay nakatutok ang mga mata nila sa akin at saka magsisiyuko na kunwari ay walang alam at patay-malisya.

Nasiguro ko iyon dahil na rin sa janitress na nagkuwento sa akin. Habang naglalampaso raw siya ng sahig ay narinig niyang ako ang pinag-uusapan. At pagkatapos daw ay magtatawanan.

Sinabi ko iyon kay Mr. Reyes. At napatawa lang ang mahilig na matanda.

"Huwag mo silang intindihin. Inggit lang ang mga iyon dahil maganda ka at sexy. Sila mga suwangit."

"Baka Sir isipin na kaya ako narito ay dahil mag-ano tayo…"

"Anong mag-ano?"

"Mag-siyota…."

"E di totohanin natin."

"Sir naman puro biro…"

"Di ako nagbibiro Nena…"

"Sir ha?"

"Hindi na biro ‘to Nena…"

Hindi ako sumagot. Tila seryoso na nga yata. Hindi na katulad noon na agad binabawi ang sinasabi. Ngayon ay totohanan na at nakikita ko ang kaseryosohan sa mga mata.

"Mamaya kain tayo sa labas Nena…"

Gimbal ako.

"Ano?"

"Baka may makakita sa atin Sir?"

"O e ano naman kung may makakita?"

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

ANONG

BAKA SIR

HABANG

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

NENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with