Darang sa Baga (Ika-5 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MARAMI pang tanong ang manager kong si Mr. Reyes na karamihan ay tungkol sa personal kong buhay. At kahit nga ang tungkol sa virginity at kung ilan na ang naging boyfriend ko ay itinatanong din. At hindi ako nagagalit o napipikon sa mga tanong niya. Gusto ko nga siyang kausap. Ewan ko, pero unti-unti kong nagugustuhan ang aking boss.

"Guwapo ba ang boyfriend mo Nena?"

"Hindi naman guwapo at hindi rin pangit," sagot ko.

"Matangkad?"

"Five four lang yata siya."

"Ikaw ba anong height mo?" tanong ni Sir sa akin.

"Five one."

"Hindi halatang 5’1’’ ka. Madaya talagang tingnan ang babae ano?"

"Ikaw Sir anong height mo?"

"Five eight."

"’Kala ko five four ka lang, Sir. Kasing taas mo lang kasi ang siyota ko."

"Oo nga, five four lang…"

"E ba’t sabi mo 5’8’’?"

"Kung kasama sa sukat si ‘Peter’. Four inches ’to e…" sabi sabay nguso sa harapan. Humagikgik.

Hindi ako tumawa. Pinigil ko. May naisip akong isagot sa biro niyang iyon.

"Ay four inches lang! Maikli lang pala."

Tulala si Sir. Pero alam ko nag-iisip siya ng panangga.

"Oo nga four inches lang pero six inches naman ang haba ng dila ko."

Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa. Halos mapaluha ako sa sinabi niya.

"Abot nitong dila ko ang matris."

Lalo akong nagtawa. Pilyo at mabiro si Mr. Reyes. Unti-unti ko na nga siyang nagugustuhan.

Itutuloy

Show comments