Ang mga matutunghayan ay batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga petitioners at dalawang dating caregivers ni Azucena.
Kasunod sa pagkakadiskubre ng sexual relationship ng dalawa, nalaman na maraming pabor na naibigay si Benjamin kay Shirley kagaya ng pagbubukas ng bank account para sa babae, pagsa-shopping at ang balak na pagtatayo nila ng water-refilling station business. Nadiskubre rin na mula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa ay nagbago ang pamumuhay ni Shirley. Ang dating barungbarong na bahay ng magulang nito ay naging konkreto. Nalaman din na ang mga mahahalagang gamit ni Azucena gaya ng damit, sapatos, bag at alahas ay sinusuot na ni Shirley.
Subalit hindi iyon ang matinding nagpabagabag sa isipan at kalooban ng mga kapatid ni Azucena kundi ang banta sa bahay nito. Paanoy nalaman nila na pinag-uusapan nina Benjamin at Shirley na unti-unting "patayin" si Azucena sa pamamagitan ng pagre-reduce ng gamot at vitamins dito.
Ang banta sa pagpapaikli ng buhay ni Azucena ay naghatid ng kakaibang takot sa kanyang mga kapatid para hilinging sila na ang mangalaga sa kawawa nilang kapatid lalo pa nga at may illicit relationship si Benjamin sa caregiver na si Shirley. Pero ang kanilang kahilingan ay hindi pinakinggan ni Benjamin. Wala raw sinumang makapagbabawal o makapipigil sa kanya.
Nagpapaalala ang kasong ito sa sensational na Terri Shiavo case sa United States na kamakailan lamang ay naging headline ng mga diyaryo sa buong mundo.
(Itutuloy)