Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-4 na Labas)
August 21, 2005 | 12:00am
Editors note: Ang mababasa ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kanyang kasaysayan dahil sa pagmamalasakit ng isang taong malapit sa kanyang pamilya. Hiniling nang nagmamalasakit na mabigyan ng atensiyon sa media ang nangyari kay Azucena. Si Azucena ay kasalukuyang nasa coma makaraang atakehin ng aneurism noong May 18, 2003 at mula noon, ang nangalaga na sa kanya ay ang caregiver na kinuha ng kanyang asawang doktor. Subalit maraming problemang nangyari na naging dahilan para magpetisyon ang walong kapatid ni Azucena na sila na ang mangalaga sa kanilang kawawang kapatid.
Ang mga matutunghayan ay batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga petitioners at dalawang dating caregivers ni Azucena.
MAY malaking dahilan pala kaya ganoon na lamang ang kapangyarihan ni Shirley sa pamamahay na iyon makaraang i-hire ni Benjamin bilang caregiver. May relasyon pala ang dalawa!
Kasunod sa pagkakadiskubre ng sexual relationship ng dalawa, nalaman na maraming pabor na naibigay si Benjamin kay Shirley kagaya ng pagbubukas ng bank account para sa babae, pagsa-shopping at ang balak na pagtatayo nila ng water-refilling station business. Nadiskubre rin na mula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa ay nagbago ang pamumuhay ni Shirley. Ang dating barungbarong na bahay ng magulang nito ay naging konkreto. Nalaman din na ang mga mahahalagang gamit ni Azucena gaya ng damit, sapatos, bag at alahas ay sinusuot na ni Shirley.
Subalit hindi iyon ang matinding nagpabagabag sa isipan at kalooban ng mga kapatid ni Azucena kundi ang banta sa bahay nito. Paanoy nalaman nila na pinag-uusapan nina Benjamin at Shirley na unti-unting "patayin" si Azucena sa pamamagitan ng pagre-reduce ng gamot at vitamins dito.
Ang banta sa pagpapaikli ng buhay ni Azucena ay naghatid ng kakaibang takot sa kanyang mga kapatid para hilinging sila na ang mangalaga sa kawawa nilang kapatid lalo pa nga at may illicit relationship si Benjamin sa caregiver na si Shirley. Pero ang kanilang kahilingan ay hindi pinakinggan ni Benjamin. Wala raw sinumang makapagbabawal o makapipigil sa kanya.
Nagpapaalala ang kasong ito sa sensational na Terri Shiavo case sa United States na kamakailan lamang ay naging headline ng mga diyaryo sa buong mundo.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended