^

True Confessions

Mga mata sa butas (106)

- Ronnie M. Halos -
MAY masaklap ding nangyari kay Lucia sa Italy. Biktima rin ng pang-aabuso roon. Ginahasa ng isang Mexican national na nakilala sa isang pagtitipon ng mga Pinoy. Hindi akalain na may masamang tangka ang Mexican kaya pumayag na maihatid sa bahay na pinaglilingkuran. Pinagtiwalaan niya dahil wala naman sa ayos na may masamang tangka ang Mexican. Nangyari iyon isang gabi. Tinutukan siya ng patalim at nagawa ang gusto. Nahuli rin ang Mexican at inamin ang kasalanan. Nakakulong doon sa salang rape. Nabuntis si Lucia pero nalaglag din.

Marami ang tumulong kay Lucia at unang-una na ang kanyang mababait na Italyanong amo. Hindi siya pinabayaan. Sinuportahan siya. Nakarekober si Lucia sa masamang bangungot. Hanggang sa ipasyang magbalik na sa Pilipinas.

"Halos iisa pala ang kapalaran n’yo Pacita?" tanong ko.

"Mas matindi ang sa akin. Ako simula pagkabata, puro sugat na…"

"Pero bumabahaw din pala ang sugat kahit anong lalim ano?"

"Oo."

"Wala ka nang nararamdamang sakit?"

"Wala na. Meron kasi akong taong nakilala na magaling magpabahaw ng sugat…"

"Sino?" Kunwari ay nagmaang-maangan ako.

"Ikaw!"

"Patunayan mo."

"Pumikit ka Pepe."

Pumikit ako.

"Huwag kang didilat hanggat hindi ko sinasabi."

Sinunod ko si Pacita. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag-alis sa tabi ko. Magtatago sa palagay ko. Makikipaglaro. Matagal siya bago nagsalita.

"Dumilat ka na at hanapin mo ako…" sigaw ni Pacita.

Ginawa ko. Hinanap ko siya sa likod ng pinto. Wala. Sa likod ng ref. Wala. Gumawi ako sa isang kuwarto. Madilim. Hindi ko maaninag. At nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap at humalik sa akin.

Itutuloy

vuukle comment

AKO

BIKTIMA

DUMILAT

GINAHASA

GINAWA

GUMAWI

PACITA

PUMIKIT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with