Mga mata sa butas (Ika-99 labas)

(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)

NABUSOG ako sa pagsasalo naming iyon ni Pacita. Inaamin ko, ang pagsasalong iyon ang pinakamasarap na ya-tang pangyayari sa buhay ko. Ganoon ang nadama ko. Busog na busog ako sa kaligayahan sa pagkakataong iyon.

"Ang sarap. Ngayon na lamang ako nakakain nang ganito kasarap. Hindi ako nakakain ng ganito sa Saudi…" sabi ko kay Pacita na nanatiling katabi ko sa mesa.

"Hindi naghahanda ang asawa mo ng ganito?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Ba’t ayaw mong sumagot Pepe?"

Napilitan na ako. "Hindi!"

Akma akong tatayo na at tutulungan siyang lig- pitin ang aming pinagkainan pero pinigil ako.

"Hep! Teka. Hindi ka pa tapos. Umupo ka uli…"

Umupo ako.

Tumayo si Pacita at tinungo ang refrigerator. Kinuha ang gallon ng ice cream na binili ko. Dinala sa mesa.

"Uubusin mo ito ngayon din. Di ba sinabi mo kanina?"

"Oo. Kayang-kaya ko ‘yan."

Naglagay sa baso si Pacita.

"Ba’t hindi sa cone na binili ko?" tanong ko.

"Dito na lang."

Nang malagyan ang baso ay kumutsara at sinubuan ako. Tila napaso ako sa lamig.

"Masarap?" tanong niya.

"Oo."

Sinubuan uli ako. Masarap talaga. Sunud-sunod ang ginawang pagsubo.

Sa pagsasama namin ng misis ko, hindi ko natandaang ginawa niya sa akin ang ganito. Wala akong nakitang lambing sa panahon ng aming pagsasama.

"Kumain ka rin, Pacita. Ikaw naman ang susubuan ko…"

"Sige!"

Sinubuan ko siya. Sunud-sunod. Ang tagpong iyon ang inabot ni Lucia.

"Ang sweet naman ninyo…" sabi ni Lucia na tuwang-tuwa.

(Itutuloy)

Show comments